We had this activity in the ALL STAR PBBFG where we were assigned to create our own Lapida and write a 50 words essay about it. We were also asked to jot down how we plan our death, what we want to accomplish and our last will of testament.
I had to rush with this stuff so I had a simple Lapida.
I came to realize that I am not afraid to die at all, but I don’t want to die right away!
In our visit to the cemetery last October 31, I started reminiscing the times when I would spend my All Saints Day with the whole family. My Dad always brought flowers while my mom is in-charge of the candles. We usually spend our Undas in Binalonan but since my father’s remains are in Paranaque, we have to go there to pay him a visit.
I used to light candles and share prayers with him but then he’s gone… It’s been two long years.
My Father’s death is unexpected. You can call it Sudden Death. Parang kahapon lang nilutuan ka pa niya ng almusal, tanghalian, hapunan… bukas pala nakahimlay na ang katawan niya habang kumakain ka ng tinapay at zest-o.
Siguro nga natatawa ka pero seryoso ako.
After offering some prayers, candles and flowers in the Tiongson shrine, We went to our great grand parents’ tomb. I was a bit disappointed upon seeing my Lolo Jose’s Lapida where his birth month is no longer there!
My Lolo then told me an incident that happened when he went back from Kuwait and offered expensive orchids to his parent’s remains.
Pagkalipas ng ilang minuto… Nawala! Naglaho ang mga bulaklak!
I had the following realizations:
Walang nakakaalam kung Kailan, Saan at Paano mamamatay ang isang tao. Ang Diyos lang ang tanging nakakaalam ng nilalaman ng ating mga Nobela – siya rin ang nagsulat ng ending.
Importante sa mga patay ang dasal. Kahit hindi ka makapag-alay ng bulaklak at kandila, kinakailangan mong magpamisa para makatulong sa kanilang paglalakbay sa kabilang buhay lalo na kung silay’ nasa purgatoryo pa.
Mas gugustuhin kong ma-cremate. Mas tipid sa space. Sa Isang lalagyan pwede na ang 6 na jar. Kung naka-kabaong kasi aksaya sa space pati na rin sa pera. Isa pa, wala nang pakialam ang mga apo mo sa tuhod balang araw sa mga labi mo.
May mga tao talagang walang pakialam sa patay. Palibhasa wala ka nang pakinabang. Masakit siguro yun dahil nagging mabait ka naman nung buhay ka pero pag patay ka na ni hindi ka nila naaalala. Kawawa ka naman.
Kapag patay ka na, wala nang silbi ang mga napanalunan mong medal at trophy. Wala na rin pakialam sa mga credentials mo. Hindi mo naman mailalagay yun sa lapida mo at hindi mo kailangan ng resume para makapiling ang Diyos. Pantay-pantay ang lahat.
Pasensya na pipol kung taglish ang entry ko. It’s just that hindi ko kaya I-express ang lahat sa inglish. Ang importante naman yung nilalaman eh.. Wala naman sa lenguahe yun