

(LEFT: PACQUIAO vs. MORALES RIGHT: PACQUIAO VS.LARIOS)
Isang taon na pa lang nakalipas nang aking isulat ditto ang munting sanaysay tungkol sa ating mga boksingero lalo na ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Natutuwa ako dahil sa loob ng isang taon, tatlong laban ang naipanalo niya: Dalawang beses kay Erik Morales at Isang beses kay Oscar Larios na buti hindi tinangay ng hangin sa sobrang kayabangan.
Papalapit na ang eleksyon at narinig ko na balak daw kumbinsihin ng pangulo ang ating dear PACMAN na sumabak naman ngayon sa arena ng pulitika. Maraming pambubuyo at pambobola sa kanya. Buti na lang at hindi na siya tumuloy.
Ako at ang aking lolo ay nasiyahan nang malaman naming na namigay pala siya ng mga grocery items sa kanyang mga kababayan sa General Santos City at may kalakip pa na Php100. Dito pinatunayan na hindi mo kailangang maging pulitika para makatulong sa ibang tao.
Nakapagpatayo na rin siya ng sariling mansion at sa kanilang lugar pa rin siya nananatili ngayon maliban na lamang kung kailangan niya talagang lumuwas ng Maynila. Bilib ako dahil hindi niya kinakalimutan ang kanyang responsibilidad bilang isang Ama, Asawa at anak.
Ngunit noong isang lingo siya ay naospital. Sana ay hinay-hinay lang siya sa pag-iinom at kumain dapat ng masustansyang pagkain para manatili tayong malakas at masigla.
Pero paglabas niya ay diretso agad siya sa sabungan?
Pacquiao, Alam ko na pinaghirapan mo ang perang meron ka ngayon. Sana ay alagaan mo ang iyong mga pera at kagamitan dahil hindi natin alam kung kailan tayo malalaos.
Sa totoo lang, excited na ako sa susunod mong laban. Sana naman si MORALES pa rin ang makalaban mo…

"Oo magkasinglaki kami ng muscles ni Pacman, pero hindi ako ang kalaban niya!"
-VINA MORALES