Mga TOL hindi ako nagmumura. Hindi rin yun acronym ng panibagong gag show na susunod sa yapak ng na-TODAS na gag show.
Multi-tasking ako Kagabi. Nag-eencode ako ng aking proyekto habang nanonood ng TV at sumasagot sa text ng ilan kong kaibigan nang biglang lumabas ang headline sa SAKSI na nagkakapikunan na daw ang mga campaign managers at spokesperson ng Administration at Opposition.
Nagsimula ang lahat ng magbiro ang isa sa mga campaign manager ng Team Unity (Administration) na nakakalito na raw ang Opposition dahil sa kakapalit ng kanilang pangalan (na ngayon ay Genuine Opposition na). Dapat daw tawagin na lang silang "GAGO" (Genuine Antagonist Genuine Opposition?) na agad naman sinagot ni JV Ejercito, Anak ni Erap na umatras sa pagkasenador para pagbigyan ang byuda ni Roco at sumunod sa Utos ng AMA. Kung "GAGO" daw sila, puro naman daw mga TUTA ang nasa kabila (Team Unity Team Administration?). Mukhang nagkakainitan na ang mga ito ah.. Naalala ko tuloy mga away ng mga tagahanga ng mga Noranians at Vilmanians na nag-uumpisa sa asaran at nauuuwi sa sabunutan.
Hindi lamang iyon mga kapatid – pati ang kung sino ang mas gwapong spokesperson napag-usapan din!
Magkakaklase daw dati ang spokesperson ng magkasalungat na partido (paumanhin po dahil hindi ko na naman maalala ang kanilang mga pangalan) at pagwapuhan na daw ang labanan
SP1: Mas gwapo si SP2 I’m just taller
SP2: Crush ng bayan yun dati sa school ako Crush lang ako ng bahay
NAMAN! J
i agree
buti hindi pa ako nakapagregister nung december.. wala din akong iboboto for sure :p
Posted by micamyx at February 22, 2007, 12:18 pm
Yup. The circus is definitely back in town. Nakakamiss ang TODAS (hehehe, halata na ang aking edad) pero wala nang dadaig pa sa comedy known as Philippine Elections. Sobrang nakakatawa, parang gusto ko umiyak. mwehehehehe
Posted by Adam Mordo at February 22, 2007, 11:12 am