
Mr. DJ Pwede bang mag-request?
Alam ko na ang palatuntunin mo ay tungkol sa mga problema ng mga tao
Aminado ako na noong una'y hindi ko binigyan ng importansya ang programa mo
Akala ko kababawan lang ang mga problemang idinadaing sayo
Yun pala'y balang araw ako ang mangangailangan ng tulong mo
Mr. DJ Bakit ba ganun?
Kung kailan kailangan ko marinig ang mga payo mo,
Saka ka naman nag "off the air"
Mr. DJ ako ay nagtatanong
Sana naman ako'y tulungan mo
Ang #1 fan mo na noo'y kay saya
Sana naman maibalik mo ang sigla sa kanyang mata
Mr. DJ.. Mr. DJ.. Mr. DJ
Bakit ang aga mong nag-sign off?