"TOL, sabi ng JOKER kong TITO sa kuya CESAR ko, ANGARA daw ng buhay kapag PICHAY ang tinanim. Maayos na ang trapik sa mga kalyeng LEGARDA, RECTO at MAGSAYSAY boulevard. Wala nang saCHAVIT na mga MANNY transactions. Mumura na ang KIKOryente, aangat na ang COCO industry. ALANa away at magiging ZUBIRI ok na ang Pinas."
Pagkatapos ng knock-knock-whos-there, paglalaro ng mga pangalan ng artista (ANCHOR TIS, TIRSO CRUZ DIETHER atbp), Famous Lines ng mga ordinaryong bagay ("Palagi mo na lang akong pinapaikot. Mabuti pa patayin mo na lang ako!"-Electric Fan"), Mga ever-korny na pick-up lines ("Tapos na ba exams mo? Para ako naman sagutin mo weeee") at ang TXTNOVELA ni EDERLYN (na gf ni Arman na may birthday noong Jan7 na hindi sinipot ng mga kaibigan at myembro ng fans club niya na hinahamon ngayon ni Chona-na), Nag-uumpisa na rin magsilabasan ang mga text jokes at spoofs tungkol sa mga tumatakbong senador.
Sa katunayan, ako ngayon ay nangangamba na dahil meron nang pumasok sa aking email na kinakampanya ang isang kandidate ng isang sikat na partido. Sa totoo lang maiinis na ako kung meron ulit akong makitang ganoong klaseng plug sa aking pribadong email. Meron din akong sinalihan na news group ng isang banda ngunit sa aking pagkadismaya, may nagpost na naman na "Iboto si Ganito ganyan ganyan". Sa PinoyExchange, meron din dumaan sa isang lungga kung saan ako lumalagi palagi na kinakampanya ang isang candidate.
Para sa mga "e-team" ng mga candidates, meron akong ilang payo sa inyo para sa mas epektibong pangangampanya sa internet na wala kayong iniinis na ibang tao na walang keber sa inyo:
Gumawa ng sariling blog
- Maraming mga libreng blog domains kung saan kayo pwedeng gumawa ng madaliang account. Pwedeng-pwede kayo maglagay doon ng kahit anong pabangong gusto ninyong sabihin ukol sa kandidate ninyo dahil paniguradong walang maiinis sa inyo. Kung may blog na kayo, mas maganda kung gumawa kayo at least once a week na ang topic ay ang isang kandidato. Kunwari, pag-usapan ninyo si Escudero. Ilagay ninyo ang profile niya. Sa next update ninyo ilagay ninyo ang comment ninyo tungkol sa speech niya about our curriculum na gusto niyang ibahin (tutol man kayo o hindi publicity pa rin yun), susunod yung TV ad niya tapos kung gusto ninyo ilagay mo pa yung resemblance nila ni Bamboo. O diba hindi obvious na nangangampanya ka na pala.
Sumali at mag-comment sa Political Forums/Thread/Blogs
- Dito mapapansin ang iyong kuro-kuro. Utang na loob naman wag kayong dadaan sa Celebrities/TV Programs Thread (maliban na lang kung si Richard Gomez, Cesar Montano, Victor Wood o Manny Pacquiao ang ikakampanya niyo..)
Ayusin ang "Wikipedia" ng Kandidato
- Aminin man natin o hindi, parte na ng buhay ng mga adik sa internet ang wikipedia. Halos lahat kahit mga autobiography ng mga artista na walang talent nandun na rin. Nag-ikot nga ako minsan doon at napansin ko na yung mga napasang Law ni Recto nakasaad lahat doon (pabango yun lalo na sa mga bagong botante tulad ko-ay hindi pala ako nakaregister). Pwede rin na I-protect mo ang biography ng isang tao (tulad ng ginawa ni Chiz Escudero). Pwede rin na ilagay mo lahat ng pelikula at mga kung ano pa man ng kandidato (tulad ng profile ni Cesar Montano). Pwede rin na isingit mo ang pangalan ng kandidato sa Wiki ng kanilang kabiyak (Sharon Cuneta = Kiko Pangilinan, Vilma Santos=Ralph Recto). Pwede niyo naman I-edit yun kahit siguro siraan mo pa at maglagay ka ng false facts tungkol sa magiging matinding kalaban ng manok mo.
Mag-Podcast
- Ibuhos mo ang iyong hinaing. O diba may microphone at speaker ka lang pwede na! Kahit mismong mga candidates (tulad ni Loren Legarda) ay nawiwili na rin sa Podcasting. Sana matutunan ito ni Victor Wood para mabuhay ang kanyang singing career at maging "Internet JukeBox King" na siya. Naks!
Mag-upload ng Videos
- Narinig ko sa balita na may kandidato para sa partylist na ang-upload ng kanilang campaign ad sa youtube at naging isa sa mga most-viewed video sa youtube. O diba madami na nga ang nakapanood, libre pa!
Mag-upload ng larawan with the campaign paraphernalia’s
- Pwede kang magpalusot ditto na gusto mo yung design ng shirt at magandang suot yung cap na may pangalan ni senator-wannabe. Pwede mo din I-upload sa myspace o friendster profile mo ang mga litrato with the campaign materials pero isa pang utang na loob wag kang mag-flooding sa Friendster baka imbes na makatulong ka dun sa kandidato mainis pa sa iyo pati mga friendships mo.
Ayan J Sana kahit paano ay may naitulong ako sa inyo. Sana din sundin ninyo yung tamang pangangampanya sa internet J
—————————————–
The trend of home theater system is increasing day by day. Basically, it consists of audio and video equipment which transforms home into a movie theater. We can say that, it is the new shape of old home theatre systems, which were very popular due to their ancient theater movie. After theses new technology theater systems, few latest technology televisions are also very well known in which flat panel tv are popular because of high image quality. Many people are moving towards dvd movies and converting their lots of movies from video to dvd.