"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Archives » 06. March 2007

Questions to the Senatorial Candidates Part 1

March 6, 2007

To Pichay

Pangarap ni Madame Auring na maging FHM Covergirl. Pangarap ni Mahal maging bf si Sam Milby o si Piolo Pascual. Pangarap din ng isang kaibigan ko na maging isang ganap na babae. Pangarap mo rin bang tuparin ang mga pangarap nila?

Pwede ba kami magtanim ng Kangkong sa Senado?

To Defensor

"Fixed" na ba yung ngiti mo sa TV Ad mo?

Totoo ba na "Tough Guys Wear Pink?"

To Aquino-Oreta

Masisigurado mo b na kung iboboto ka naming makakapasok ang mga pobreng bata sa matinong eskwelahan o sa "Dancing School" niyo sila I-enroll?

To Sotto

Masisigurado ba na sa susunod na sumakay ako ng Taxi aalagaan ako ng "Tito" ko? Bakit hindi mo ginamit na campaign jingle yung kantang "Itaktak Mo"?

To Aquino

Ang mga layunin at adhikain ba ng iyong ama ay parehong-pareho sa adhikain mo ngayon?

Bakit napaka-boring ng campaign plug mo? Sana nilagay mo si Kris Aquino kapatid mo naman siya

To Montano

 

Kapag binoto ka ba naming babalik na ang dating Unlimitxt Rate ng Globe? Oo alam ko TM ka pero magkapatid naman sila. Power To The People na nga ba?

Kapag napikon ka ba sa Senado makikipagsuntukan ka din tulad nung kay Andrew Wolff?

To Pangilinan

Ang campaign ad mo lang ba ang tanging ad na hindi milyon ang binayad kay Sharon Cuneta?

To Recto

Iba’t iba ang sayaw ng pulitika. Uso ngayon ang Striptease. Magkakaroon ba ng ganoong klaseng sayaw ngayon?

Fan ka ba ni Nora Aunor o Loyal Vilmanian ka?

To Escudero

Galit ka ba sa Mathematics?

May CHIZ Pimiento ka ba? Sana yun na lang giveaway mo para may palaman na ang tinapay namin.

Posted by micamyx at 5:45 pm | permalink | comments[6]