Dumarami na ang lumalabas na campaign advertisements ng mga senatoriables. Parang mga kabuti na bigla na lang sumusulpot. Iba-iba sila ng istilo- may sumasayaw, may nakikipag-kawayan sa mga tambay, may nakikijam sa mga kabataan, may nangangarap at meron din nagpapaka-security guard.
Ang mga (ga)GO at TU(ta) ay may kanya-kanyang mga serbey na ginagawa. Dito nila malalaman kung sino ang mahal ng masa at magkakaroon na rin sila ng ideya kung pagbubutihan pa ba ang kampanya o mangarap na lang ng gising. Meron kapos sa pondo. Meron din na sa internet na lang dinadaan ang pangangampanya. Meron din dikit ng dikit ng poster sa mga puno na hindi naman kaaya-ayang tignan ang kanilang mga mukha. Kung sino man ang talunan, kakailanganin nilang pumunta ng Amerika dahil sa sobrang kahihiyan. Mas maganda kung gamitin na lang nila ang natitirang pondo sa Miami Face Lifts. Siguradong magaling ang mga doctor dun baka kasi hindi kayanin nina Belo at Calayan ang sobrang stress sa kanilang mga hinaharap.
Masyado na ba akong nagsasabi ng totoo? Hindi ba’t mas nanaisin mo na lang na Makita ang mga tarp o campaign posters ng mga kandidato sa Starstruck Batch 4, o di kaya ang mga gwapito sa Pinoy Big Brother Season 2 kaysa sa mga gumagastos maging senador?
May kaibigan ako na nadidismaya basta nakikita ang TVC ng isang senatoriable na babae. Aniya, Sana daw maging sexbomb dancer na lang siya para sa Dance Studio na lang siya gumiling. Sabi rin ng isa pa, sana daw ay hindi ginagamit ang pangalan ng namayapa nang presidente sa kampanya ng isa sa kanyang mga apo. Parang dinudungisan daw ang napaka-gandang pangalan ng dating namumuno ng bansa. Alam na alam naman daw ng mga mas malapit sa tumatakbong apo ng dating lider ang mga ginagawa nitong hindi kaaya-aya. Natawa naman ang isang pinsan ko ng mapanood ang isang video mula sa archive ng isang news website kung saan nakikipag-away ito sa ibang opisyales na parang babae. Dapat daw ay matuto ito sa ginagawa ng mas nakakabatang kapatid – tahimik na nagtratrabaho at nanliligaw ng mga babae pero napag-uusapan pa rin. Meron din naaasiwa kapag nakikita ang tvc ng isang lalaking mala-environmental awareness ang dating ng kanyang mga kasuotan dahil halatang hindi ito maka-masa. Sana daw ay kinuha na lang niyang endorser ang dating kalaban ni Pacman para mapag-usapan at hindi yung sayaw ng sayaw ng boom tarat tarat.
Ang pinaka-paborito naming sa bahay ay ang tvc ng nagsasalitang gulay. Nagmamakaawa siyang itanim siya sa senado ngunit tila may diskriminasyon dit0. Pichay lang ba ang pwedeng itanim sa senado? Hindi ba pwedeng spinach? O di kaya’y patatas? Eh prutas tulad ng chico? Eh rambutan (ay oo marami na palang rambutan sa senado)? Kung ganyan rin lang baka sa kangkungan ka pulutin niyan.
Naisip ko lang ngayon: Milyon ang nagagastos ng mga kandidato sa mga advertisement nila sa telebisyon lamang. Kung sana ay ito na lang ay kanilang nilaan sa bayan na naghihirap magbanat ng buto para sa ekonomiya ng bansa eh di sana mas kaaya-aya pang pagmasdan kaysa ang mga mukhang puro pambobola lang ang dala.
Hi Schumey! Thanks for the appreciation
Yes I will..
mica,
I like the way you wrote this article. I hope you write more about your insights on the coming elections.
Posted by Schumey at March 17, 2007, 5:49 pm