Sa wakas, nakapag-attend din ako sa isang pagtitipon ng mga blogista sa Perlas ng Silanganan sa pamamagitan ng iBlog3: The Philippine Blogging Summit na pinangunahan ni Janette Toral at ng mga taga UP –Law Internet and Society Program. Ginanap ang nasabing pagtitipon sa UP School of Economics Auditorium. Excited akong pumunta sa blogging summit dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Marami akong matututunan tungkol sa iba’t ibang uri ng blog at kung paano kumita sa libreng blog.
2. Makikita mo ng personal ang mga iniidolo mong blogger – sila ba ay intimidating? Tama ba ang perception ko sa kanila? Gwapo at Magaganda ba sila? 4. Raffles: Nariyan ang Globe, Yehey at ang iba pang sponsor na ang kinakailangan mo lang gawin ay isulat ang iyong napakagandang pangalan at blog URL sa isang mukhang excel na papel at kung swertehin ka, maaari kang manalo ng gift cheques worth Php 1000, Google T-shirt at ang libreng online access sa laban nina Pacman at Lolit Solis.. este Solis lang pala.
5. Magandang excuse para pumunta ng UP. Meron pa akong dalang notebook nang ako’y lumuwas sa eskwelahan ng mga iskolar. Feel na feel ko din na kahit dalawang araw lang ay naging Iskolar kuno ako ng bayan.
6. Isaw. Salamat sa DyanBanda ng Kamikaze dahil sa programang iyon (from my music station MYX) ang iba’t ibang tambayan sa UP at isa nga doon ang mga Isaw Spots. Kumain ako ng Isaw ng Manok tsaka Taba ng Baboy. Wow para akong nasa heaven! 8. Kumain ng libreng pagkain: Ako ay lumuwas ng Maynila na mag-isa at ako ay isang matakaw na babae kahit na sexy ako
9. Makakasama ko ulit si Gee ng PBBFG. Bonding moment din ito!
10. Mag-feeling turista sa UP. Kahit paano ay nakapaglibot ako. Sayang at wala akong pic sa oblasyon. Gusto ko sana dahil meron daw kasabihan na bawat taong magpapapicture ay nadedelay. Ito ay applicable lamang sa mga iskolar ng UP, pero nagfiling-feelingan ako nung araw na yun kaya I refused to take a picture there… choz!
Kabado ako nang ako’y pumasok sa Hall. Ang daming tao at may mga mukhang pamilyar sa akin pero mukhang hard to reach sila. Lahat ng generation nandoon na ata mula sa Puppy Love, Baby Love, Staying Alive, Like a Virgin, Wannabe at Meteor Garden. Ang saya noh? Kung hindi ako nagkakamali (dahil medyo late ako), si Chris Haravata ang unang resource speaker ng seminar. Kanyang ibinigay ang isang introduksyon tungkol sa blogging pati ang mga tools na pwedeng gamitin sa blog mo. Aminado naman siya na matagal na siya sa blogging stuff ngunit mababa pa rin ang pagerank ng kanyang site. Mukhang isa siyang mabait na ama at mapagmahal na asawa sa kanyang kabiyak.
Siya ang pinaka-bata sa mga nagsalita ngunit para sa akin, siya ang pinakabeterana at kahit paano’y alam ang iba’t ibang panlasa ng mas nakakabatang mga blogistang tulad ko. Nasabi na siya raw ang isa sa mga pinaka-unang blogger sa bansa (nagumpisa siya noong ten years old siya.. Nasa early twenties siya ngayon.. kayo magcompute ayoko ng math!). Natuwa ako sa kanyang diniscuss dahil ilang beses akong natamaan lalo na noong sinasabi niya ang mga “Don’t’s”. Isa pala siyang myembro ng isang banda. Gusto ko ngang tanungin sa kanya kung willing siyang ipatugtog ang kanyang Cheeky Girls? Naka-relate din ako nung may taong nagtanong sa kanya kung ano nararamdaman niya kapag nababasi ni Tita Noemi ang kanyang mga entries. Yung mga personal ay nilolock niya sa livejournal (for friends view only). Alam ko yan.. gawain ko eh wehehe ") Wala sa edad ang qualification para maging isang mahusay na speaker. Bilib ako kay Lauren Dado
Nag-breaktime kami at kumain ng ensaymada para sa merienda. Dito ko nakilala sina Sasha, Cai, Louie and Des. Sayang wala kaming picture together.
Si Noemi Dado ang nagsilang kay Lauren Dado which means mag-ina sila. Si Noemi ang mommy blogger na nasa likod ng AboutMyRecovery, ang kauna-unahang nanalo sa Blog Category ng Philippine Web Awards. Kwinento niya ang sampung dahilan kung bakit siya isa sa mga pinaka-matagumpay na blogger sa Pilipinas. Isa din siya sa mga taong dating humahanap ng kalinga at ngayo’y siya naman ang nagbibigay nito. Gusto ko sana siyang lapitan at kausapin pero..
Shy ako
Biglang may dumating na matangkad at gwapong lalaki na halos malapit sa upuan ko. Naalala ko ang tatay ko. Yun pala ay isa siya sa mga speaker at DJ rin siya! Ang tinutukoy ko po ay si Marcelle Fabie na nagsalita tungkol sa pag-unlock ng creative blogging potential through the following means: Introspective Questioning, Pagsulat sa yellow paper (o pwede din blue, green at pink), Seeing something and identifying it as something else (oist baka kung anong censored na yang naiiisip ninyo ha) at culmination. Nagpakitang gilas din siya sa pamamagitan ng pagbali ng tinidor courtesy of SM Food Court
Female speaker naman ang sumunod na nagngangalang Arelle Valla. Kwinento niya kung paano nakatulong ang kanyang blog sa kanyang trabaho. Importante na talaga sa ngayon na magkaroon din ng isang espasyo sa internet ang mga business-minded people (marami yan sa multiply hehe) dahil sa internet possible kang makakuha ng order sa mga taga ibang bansa. Kunwari gusto nilang magorder ng bagoong na galling Dagupan na ipapadala sa kanilang minamahal na kabiyak. Ang kailangan lang gawin ay I-email ang blogger at sila na ang bahala magdeliver. Syempre may bayad
Hapon na ng mag-umpisang magpakilala ang ibang blogista. Dahil ko ay isang dalagang pinay na sobrang mahinhin, tumakas ako at hindi nagsalita sa harap kahit na gusting-gusto ko talagang magsalita at magpa-cute sa harap.
Unang speaker ang CEO ng IPVG na si Jaime Enrique Y. Gonzales. Hindi ko linya ang online gaming at hindi ko talaga sinubukan dahil baka lalo akong maging adik. Naging interesado ako dun sa laro na “Audition”. Meron nagsuggest na sana ay may tagalog songs din na ilagay sa laro at hindi puro Korean songs. Sana nga ay idagdag nila ang Itaktak mo o yung Boom Tarat tarat.. takatakatakatakatak awww! :p Ang gwapo po nung speaker weeee
Alam niyo ba na may komiks sa web specifically sa blog? Yun ang tinuro sa amin ni Jonas Diego. Alam naman natin ngayon na hindi na masyadong kumikita ang mga comic book writers. Halos wala ka na rin Makita sa bangketa na nagtitinda ng komiks o horoscope na dati ay isang alternatibo sa paglilibang lalo na ng mga stay-in n maid. Naalala ko noon naging komiks reader din ako sa murang edad na pinangarap ko na mailagay ang aking kwento ng pag-ibig sa murang edad ng walo! Hehe =) Nagtaka nga din ako kung paano kikita ang mga webcomics writers? Well.. hindi ko ilalagay dit0 ang kasagutan para mag-isip ang mga hindi nakapunta!
Sumunod na nagsalita si Dean Alfar. Isa siyang sikat at award-winning na literary writer/blogger. Para sa akin siya ang isa sa mga pinakanagustuhan kong magsalita dahil tawa kami ng tawa sa kanyang mga pasakalye. Buti na lang at hindi masyadong istrikto si Sister
Nagbigay siya ng tips at mga rason kung bakit epektibo ang magkaroon ng literary blog ang mga nagnanais maging magaling na writer blang araw. Dapat wag mo rin pilitin ang iyong sarili na tapusin ang isang istorya kasi yung istorya mo rin ang magsusuffer. Nagkwento pa nga siya na kunwari nakasakay ka sa jeep at biglang may nakita kang eksena at gusto mong isulat ito.. ngunit wala kang papel o typewriter o celpon. Anong gagawin mo? Pumara ka at sabihin mong “Manong Drayber ISSSSTTTTOOOOPPPP!!!! Gusto kong mag-blog!” Sa MRT ko kaya gawin yun? Hahaha
Breaktime na naman at as usual, nagpicture taking kami ni Gee at tawa kami ng tawa. Reason? Chiklet haha
Nilasap ang lasa ng Plus Juice Strawberry Flavor.
Balik seminar muli at tatlong speakers ang sumunod. Legal Track ito tsong. Diniscuss ang Blogging and Freedom of Expression in ASEAN nina Roby Alampay of SEAPA. Dito ko lalong minahal ang aking bansa dahil dit0 ay mag demokrasya. May isang bansa kung saan hindi mo basta mabubuksan ang iyong email. Kailangan pang kunan ng screenshot ang bawat website na iyong bibisitahin! Paano mo maeenjoy ang internet kung wala ka naman privacy?
Blogger’s Code of Ethics naman ang diniscuss Emerson Banez na hindi ako nakapagtakedown ng notes dahil ang bilis ng slideshow hehe
Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko na walang “Code of Ethics” talaga sa blogging kasi hindi naman lahat ng blogista ay makakasama sa pagsulat ng code. Paano ang mga kababayan natin sa bandang Estados Unidos na gusting ipaglaban ang kanilang suhestyon? Basta ang kinakailangan lang talaga ay respeto sa kapwa. Ang drama ko noh
Kinailangan kong kausapin ang isang taong importante sa buhay ko kaya nagdesisyon akong lumabas at kausapin ito. Konti lang ang narinig ko sa Blogging and copyright law ni Atty. Jaime Soriano.
Pagkatapos ng summit ay kinulit ko si Gee na pumunta sa pinakamalapit na isawan. Bumili kami ng isaw at taba. Wow ang dami kong nakain! The best isaw and taba ever! More than 10 ang aking nakain at hindi ako masyadong gutom. Nagkwentuhan muna kami ni Gee ng isang oras bago dumating si Ate Lenny na kasabay kong umuwi sa aking tinitirahan dit0 sa Lungsod ng San Juan.
Sa mga mahal kong mambabasa,
Pasensya na kung masyadong maiksi ang aking entry sa unang araw ng summit. Hindi ko masyadong pinaghandaan ito. Sorry