Masaya ako dahil walang trabaho sa lunes (yehey!). Bakit nga ba walang pasok sa lunes? Ito po ang araw ng pagboto ng mga Pilipino para sa mga susunod na uupo sa gobyerno. Pipili tayo sa araw na ito ng mga taong gagastusin ang mga pinaghirapan natin na pera at sila din ang kukuha ng maraming kwarta para sa kanilang pork barrel na kanilang gagamitin para sa mga proyekto nila na pagnatapos ay may malaking pangalan nila na akala mo ay galing sa sarili nilang bulsa ang pinambayad sa pagpapagawa ng mga eskwelahan, waiting shed atbp.
Bilang isang pilosopa pero concerned pinay na gusto sanang gumawa ng seryosong blog entry pero dahil sa pagod ay mukhang kalokohan ang ilalagay dito, gumawa ako ng listahan ng gagawin ko kapag ako ay maging isang senador.
Pagagandahin ko ang Tourist Spots ng Pilipinas - Maglalaan ako ng pondo para maging mukhang malinis ang Pasig River. Paano? Kukuha ako ng pera galing sa buwis ng taong bayan at ipambibili ko yun ng Dyobos na color blue. Palalagyan ko rin regularly ng Asin galing Dasol, Pangasinan para maalat-alat ang tubig. Magiging feeling nasa beach tayo niyan kahit na ang katotohanan ay puro basura at mga anik-anik ang makikita sa under the ilog level ng pinaasul na ilog.
Magpapatayo ako ng restaurant sa Kongresso - Sa kasalukuyan ay may mga pagkain na nagboboluntaryong sumabak sa senado. May Pechay na gustong magpatanim sa kangkungan. Meron din Bistek na matagal nang mabenta sa isang lugar dito sa Maynila. Meron din na gustong pakyawin ang lahat. Aba dapat sa foodfest kayo sumali at hindi sa pulitika tsk tsk baka langawin tayo niyan kapag hindi masarap yan!
Pararamihin ko ang Party Lists - Magkakaroon ng mas maraming party list na pangungunahan na sikat at maaasahan talaga sa larangan ng partying ang mga magiging leaders tulad ni Borgy Manotoc, Anne Curtis, Katrina Halili at KC Montero. Life is a Parteeh!!!
Gagawa ako ng "Teen Oriented Programs" - Naalala ba ninyo yung TGIS (Thank God It's Sabado) nina Bobby Andrews at Angelu De Leon? Eh yung CUTE (Call Us Two for Entertainment) nina Helen Gamboa at Sharon Cuneta? Eh yung DATS ni Kuya Germs? Diba Puro Acronym? Aba ang mga tumatakbo para sa senado ngayon hindi na nakukuntento sa TUTA at GAGO. Mas type na nila yung may dating. PLAN Co REVOLT ang programa para sa rebel teens na parang sasabak pa lang sa kolehiya pero pinipigilan ng mga kamag-anak. MAZ PARa Sa Kidz Mo naman ay parang SCQ na para sa Kids at Teens. Wow magkakaroon sila ng Anak TV Seal Pagnagkataon.
Sa ngayon ay yan pa lang ang mga karantaduhang naiisip ko. Syempre hindi ko yan tutuparin kapag seryosohan na talaga. Sa mga botante sana po ay isipin ninyong mabuti kung sino ang karapat dapat manatili sa ilalim ni Ate Glow. Bow.
I would have voted for you…
I hope you run and win for an office someday.
Schumey - Yup sa Embassy Bar tapos diba mahal entrance dun? Php 600 ata.. kapag ako gawin ko Php 1,500 para sa akin yung extra wehehehe
Too bad Hindi ako nakaregister. If only.. Waaahhh
Alvin - You’d be one of my campaign managers!
Hehe kidding aside, ok lang sa akin school politics but I’ll never run sa true politics. Such a dirty game
Posted by micamyx at May 14, 2007, 7:25 pmmabuto na lang may mga pangarap ka, at yung iba pang mga kabataan. i would not like to lose hope, the future of the country is in your generatin and the next.
Posted by sexy mom at May 16, 2007, 4:06 pmShowbiz ka in short kung maging presidente. Hehehe
Posted by skinnerbox8 at May 20, 2007, 9:27 pm
Idagdag mo na rin si Tim Yap. Saan ang headquaters ng parteeh list mo, sa Embassy?
Seriously, I hope the elections will be clean. Don’t just vote, guard your vote. Try to stick around for the counting.
Posted by Schumey at May 14, 2007, 12:23 pm