Masaya ako dahil ang kauna-unahang bumati sa akin sa aking "Blog Parteeh" entry ay ang kauna-unahang speaker din sa nakaraang iBlog3 summit. Siya si Chris Haravata ng http://www.haravata.com/blog
Sa katunayan, hindi ko inaasahan na siya ang kauna-unahang babati o na siya pala ay bumibisita sa aking blog. Mataas ang tingin ko sa mga speakers sa nasabing summit kaya natuwa ako nang may matanggap na comment galing sa kanya.
Si Chris Haravata ay tatakbong Senador sa susunod na halalan sa ating bansa :p Ayon sa kanyang blog, makikita mo siya na umiinom ng kape at may hawak na sigarilyo at nagmumuni-muni. Isa siyang mabuting asawa sa kanyang kabiyak (na kahati niya saisa pang website tungkol sa pagkain) at mabuting ama sa kanyang mga supling. Mahilig siya sa ano.. ayun at sa badminton. Isa siyang magandang ihemplo pagdating sa Physical Fitness kaya iboto po natin siya sa Senado ok? =)
Bagamat nakita ko siya sa personal noong summit at nag-takedown notes pa ako, hindi ko pa siya nakakausap ng personal. Sana ay dumating din ang araw na iyon para ilibre din niya ako ng kape hehehe
Isa na siguro siya sa mga beterano sa blogging (pero young-looking pa rin… yes!). Bisitahin niyo po ang kanyang blog dahil halos lahat sakop na nito pati technology, politics and stupid people :p
You’re Welcome
Hope to see you again hehe
thanks for this nice, errr, review… hehehe… i think…
Posted by Chris at May 23, 2007, 2:14 am