Tamang-tama at pang-anim si BillyCoy Dacuycuy ng http://crost23.blogspot.com sa aking "Blog Parteeh" dahil siya ang mabibigyan ng isang special feature dito sa aking blog.
Noong una akong mapadpad sa blog ni Billycoy ay namangha ako sa mga larawan na nalaman ko na siya rin pala ang gumagawa. Ang galing! Ang kanyang blog ay sa lenguaheng pinoy at kung karantaduhan rin alng ang pinag-uusapan ay wala nang makakatalo sa kanya.
Sa totoo lang, isa siya sa mga pinaka-gusto kong blogger. Why? kasi tawa ako ng tawa sa mga entries niya. May humor pero kung titignan mo sa realidad, totoo ang mga sinasabi niya.
Ang ilan sa mga pinaka-nagustuhan kong entry niya ay ang mga patungkol sa Concert TV (SOP at ASAP na iba ang kahulugan para sa kanya), Political Vegetation (Paano nga ba magtanim ng Pichay sa Senado), Ang audition tape ni Mareng Tessie (crossover from dancing queen to drama queen), USB (Unloved Since Birth - pareho kami waaahhh), Bad Hair Days (na nakikita sa mga pagkain), Pagiging habulin at uber gwapo (ahemm.. sige na nga) at ang kanyang quest sa paghahanap ng kanyang super hot sadist future girlfriend. Dahil sa kanyang angking talino at kagaguhan, ako ay naging isang tagahanga. Pwede siyang maglathala ng kanyang sariling libro. Pwede siyang maging next Nicanor David Jr. o Bob Ong. Bisitahin ninyo ang kanyang websayt sa oag-click sa link sa taas at sigurado akong masisiraan kayo ng ulo tulad ko :p
Isa din siya sa mga blogistang gusto kong makilala. Pinalad naman akong makilala ang alagad niyang uber gwapo kasama ng kanyang mga goons na mga gwapo rin (pero nangibabaw ang kagwapuhan ng alagad kaya nainlababo ang aking kasama). Hindi ko akalain na siya nga ang alagad dahil mala-anghel ang kanyang hitsu. Nagdiwang din siya ng kanyang kaarawan noong May 16 (Sampung araw pagkatapos ng aking kaarawan). Pareho pala kaming mahilig sa Six (6). Siya rin ang pang-6 na nagcomment. Cool!
Gusto niyo bang makita ang litrato ni Billycoy? Alam ko na marami na siyang pinaiyak na babae dahil lahat sila ay binasted ni Billycoy kaya para hindi naman kayo masyadong lumuha ng dugo o magpakamatay, eto na ang kuha kasama ng aking kaibigan na si Gee:
Ooopss.. pasensya na kung ganyang ang aking ginawa. Ayaw niya kasing ilagay ko ang kanyang kagwapuhan dahil mas dadami na daw bibisita sa aking blog kaysa sa kanya at magiging isang websayt na pang-matatanda pag nagkataon.
Muli, Bisitahin niyo po ang blog ni Billycoy para mawala ang iyong mga problema at ika'y magwawala pagkatapos.
oh may pichay, pasensya na talaga kung inilagay ko ang larawan mo. hindi bale maliit naman eh. wala na kasi akong time na burahin ang napakauberwafu face mo hehe
pakisabi sa amo mo na ipagpatuloy lamang nya ang kanyang pagsusulat dahil kung minsan para akong tanga na tawa ng tawa habang binabasa ang blog nya, ngunit sa dulo ng bawat entry ay may realidad na nasisilip.. mamboboso eh LOL
pakisabi na din sa amo mo na sabik na akong makabasa ng kwento tungkol s akanyang quest sa paghahanap mg gf. may isa pa siyang price pero ewan ko kung gusto pa niya yun.
ingat na lang sa amo mong rare catch lol
Posted by micamyx at May 22, 2007, 12:48 amHaha! Billycoy is so-so adik! Haha! Sikat nan sikat na si billycoy na-feature pa!!! wow!
yeah, i like billycoy’s blog too. very down-to-earth.
Posted by liz at May 22, 2007, 5:03 pmAha! Ikaw pala yung mga nagpa-picture sa alagad ni Billy nung iBLOG3 ha! Bakit hindi kayo nagpapicture sa akin?!?! LOL. Joke lang. Hehe.
L.A. - He deserves it
May Pans club na nga din ata siya eh LOL
Liz - I agree. Ok din yung alagad nya hehe
Jhed- Haha oo ako nga :p Kayo yung nakaupo sa likod namin noon :p sayang sana nameet ko din yung mga goons ng alagad :p next time (sana meron next time.. sana!!!) picture2 ever to death tayong lahat weeeee
ala! hindi ka naman kaya huntingin ni billycoy nyan… nakiki-comment lang po! wakokokokokok
Posted by yatot at May 23, 2007, 5:17 pmYatot-Hindi yan hehe mabait naman yun eh :p bisita ka lagi ha
“pero nangibabaw ang kagwapuhan ng alagad kaya nainlababo ang aking kasama”…
sis? ako ab ang tinutukoy mo dito? ahha… tayo lang nmn ang magkasama nung iblog3.. hehe…
anyway,,, peyborit ko blog ni billycoy! subrah! ayan na nga, at may ebidens ka pa ng pagiging fan ko at may piktur kami ng kanyang aliping uber gwapo… pano pa xa? bwahahahah!
Posted by Geexie at May 24, 2007, 11:02 pmnyahaha uy si Gee kinikilig pa rin! :p
Posted by micamyx at May 26, 2007, 12:41 pm
oh my gulay, patay ako sa amo ko nito, nakita ang picture ko.
anyway, pinapasabi ng amo ko na lubusan niyang ikinagagalak ang paggawa mo ng review patungkol sa kanyang mga sulatin. lubus-lubos niyang ikinagagalak at ipinagpapasalamat ang ginawa mong ito. He’s very honored to make people like you be in cheers whenever you visit his blog.
maraming salamat… sa ngayon, hintayin ko na lang parusa ng aking amo.
Posted by alagad ni billycoy at May 22, 2007, 12:37 am