Isang linggo pagkaraan ng halalan dito sa ating bansa, nag-umpisa na ang bilangan at sunod-sunod na karahasan sa ating bansa. Ang iba ay nagdiriwang dahil sure win na sila. Ang iba naman ay mangiyak-ngiyak dahil kahit saang anggulo mo tignan ay imposible na silang makapasok sa Magic 12 ng Senado.
Sa kasalukuyang talaan ay iisang babaeng kandidato lamang ang namamayagpag sa labanan at nangunguna pa ito. Sa kasawiang palad ay hindi pinalad ang mga kapwa niya kalahok na mga babae.
Sigurado ako na ang iba sa kanila ay nag-iisip kung tama nga ba ang naging desisyon nila na lustayin ang kanilang datungers para lang magbalik pulitika. Siguro naman kahit paano ay may ideya na sila na hindi rin sila makakalusot sapagkat nangungulelat din sila sa mga survey. Walang epekto sa tao ang kanilang pagkamay sa mga tindera ng isda o di kaya'y ang pagtanggol sa mga inaabusong babae. Nandyan naman daw kasi si Darna at mga super twins na mas kaaya-ayang tignan kapag ililigtas ang kapwa pinoy.
Ano nga ba ang magandang gawin ng mga natalong babaeng kalahok sa pagka-senador?
Pumunta sa Amerika - Ang mga artistang nabubuntis ay palaging pumupunta ng Amerika para hindi mabalitaan si Pilipinas na sila ay nagdadalang-tao. Ang bansang ito ay kumbaga "taguan" ng mga taong gusto magtago (natural taguan nga eh). Pwede rin itong gawin ng mga talunang kandidato para hindi sila pagpyestahan ng media.
Magpa-facial treatment - How much does botox costs nowadays? Tingin ko ay mura na ang mga rates sa link na inilagay ko kumpara sa ginastos ninyo sa mga posters, tvc at pamaypay na pinamigay ninyo na pinagpupunit lang at pinagtawanan ng mga tao. Kung ako sa inyo ay magpa-botox na lang kayo at siguradong you'll feel good and you'll gain your confidence once more.
Mag-dance lessons - Tutal mahilig naman silang sumayaw ay karirin na lang nila. Marami diyan DI na gwapo o kung gusto ninyo ay magconsult kayo sa sexbomb girls. Marami silang alam na sayaw na tiyak na kigigiliwan at kaaadiktahan ninyo. Malay niyo, offeran pa kayo ng "Shall We Dance" ni Lucy Torres o di kaya ng nagbabalik na "U can Dance" ni Iya Villania. Maganda rin itong exposure dahil makikita ng mga viewers ang inyong tiyaga sa pagkuha ng steps at baka sa susunod na halalan ay pagbigyan na kayo.
Magtinda sa palengke - Magtinda sa palengke para maranasan ninyo ang hirap ng mga tao sa pagtratrabaho na hindi alintana ang baho at init ng palengke. Subukan ninyong hawakan ang kanilang mga kamay na hindi kayo nag-aalcohol pagkatapos. Matuto kayong makibagay sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paggawa ng kanilang mga gawain ng buong puso at hindi para magpakitang tao.
Hindi ito ang katapusan ng lahat. Siguro ay ayaw lang talaga ng tao na bumalik pa kayo sa senado dahil nagkaroon na kayo ng pagkakataong mamayagpag noon. Bakit hindi ninyo subukan magshowbiz? Oh diba.