"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Archives » 23. May 2007

Payo Para Sa Mga Talunang Senador (Male Version)

May 23, 2007

 To the Right To the Right…

May nalanta. May pinulot sa kangkungan. May naoutshine. May sumabit. May nabulaga. May na-knock out at may na-flatan.

Ganyan talaga ang buhay pulitiko (o celebrity.. naks!). Kung minsan nasa tuktok ka ngunit darating din ang araw na ikaw ay babagsak. Siguro isa itong sinyales na may mas importanteng bagay ka pang dapat matutunan tungkol sa iyong sarili at sa iyong pwede pang gawin balang araw.

Ano nga ba ang pwedeng gawin ng mga hindi pinalad sa nakaraang eleksyon?

Magparetoke - Kung ang mga baguhang artista nga ay kay dali-daling makakuha ng endorsement mula kina Belo at Calayan eh siguro naman hindi mahirap para sa inyo ang lumapit sa kanila for such surgery. Ang problema nga lang ay baka sila ang mahirapan kapag nagkataon.

Pumunta ng Amerika -  Just like what I have said in the female version. the male senatoriables should make a "sweet escape" and go to the United States of America to get rid of annoying media people who keeps on asking you how you feel regarding the counting of votes Better yet get a  San Jose Rhinoplasty so you can get a uber handsome look (Flat Tires and outShined sneatoriables are excepted). I assume that you guys have enough money to get this treatment so you can actually get a "career reinvention" as the next Paquioto Diaz of the Philippine Cinema.

Bumili ng lupa na pwedeng gawing Pechayan o Kangkungan - Harapin na natin ang realidad na karamihan ng mga kababayan natin ngayon ay naghihirap talaga na lalo pa natin pinapahirapan dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Ang tanging kaya nilang bilhin ay ang Pechay o Kangkong. Magpagawa ng plantation at palakihin ang iyong lupain na puro pechay o kangkong. Pwede mo rin silang i-hire para sa trabahong ito. Malay mo, ikaw ang makatupad sa pangarap nilang magkaroon ng disenteng trabaho at libreng pechay/kangkong araw-araw.

Mag-produce ng pelikula - Gumawa ka ng pelikula na tinatalakay ang palamak na dayaan sa eleksyon dito sa ating bansa - mula sa gastusin sa kampanya, vote-buying hanggang sa mga karahasan sa mga lugar ng bilangan. Kumuha ka ng mga bigating artista na gaganap sa pelikula mo para bumenta. Humihina na rin kasi ang industrya natin. Kapag gumawa ka ng ganitong pelikula, marami kang matutulungang tao sa pagtuklas ng baho ng ating lipunan. In short, gumawa ka ng bio-pic mo.

Natutuwa ako dahil ang mga pilipino ngayon ay mabusisi na sa kung sino ang karapat-dapat manatili at papasukin sa senado. Hindi na ang popularidad ang sukatan ngayon kundi ang plataporma at ang endorsers :p

Sa mga dating senador na sumusubok pa rin , siguro ay panahon na para kayo'y mag-isip kung bakit hindi na kayo tinatangkilik ngayon ng sambayanan: meron ba kayong nagawa noong panahon na kayo ay naihalal sa pagkasenador? kung wala kang masagot hindi ka naman siguro engggz para hindi malaman ang katotohanan.

Sa mga baguhan na hindi nagtagumpay ngayong taon - Mag-aral. Huwag kayong huminto agad. Kung talagang nasa puso ninyo ang paglilingkod sa bayan, kayo ay mag-aaral tungkol sa mga problema ng pilipinas at sa paggawa ng mga bagong batas. Siguro ay nakita ng tao na hindi pa sapat ang iyong kakayahan pero there's a room for improvement. Go for it!

Sana ay maihalal ang mga talagang karapat-dapat. Ayun.. yun lang naman :p

Posted by micamyx at 6:31 pm | permalink | comments[4]