"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Post Item » Dagupena’s Homecoming

Dagupena’s Homecoming

June 15, 2007

Sana hindi na lang ako bumalik agad. Ang init - init dito sa Dagupan! Grumaduate na din yung mga closest friends ko. I feel like I'm gonna be a loner this sem. Magkakaroon pa ako ng problema financially dahil solo ko ang thesis ko na dapat ko na talagang kunin! Black out pa dito kanina. Nakakainis talaga!

 

Carlosaychiz.jpg

Pero Kung Makakita ka ng Batang Ganito Ang Ismayl, mababadtrip ka pa ba?

Pagkaraan ng dalawang buwan kong pamamalagi sa Maynila para sa aking On-The-Job Training, balik Dagupan na ako. Mixed emotions eh. Parang excited ako kasi makikita ko na ulit ang kapatid kong napaka-kyut, ngunit malungkot dahil lilisanin ko na ang Maynila, Ang lugar kung saan marami akong natutunan.

Balak ko noon byumahe ng alas-4 ng madaling araw, ngunit ako'y naaliw sa aking panaginip kaya 8AM ako nagising. Nilisan ko ng Maynila ng 10AM at sabi ni Ate Lenny, mamimiss daw niya ako dahil dalawang buwan din niya akong binilhan ng pagkain sa tapa king at ministop, pinaglabhan ng damit, pinaghandaan ng almusal, hiningan ng pasaload at hinintay kapag gabi na ako umuuwi.

Hindi ko maintindihan ngunit halo-halo ang aking nadarama sa byahe. Ayokong magbyahe na may araw na. Mas gusto ko yung madaling araw kahit na halos maging yelo ako sa lamig. Hindi rin ako kumain sa tatlong bus stops. May pera nga ako at gutom din ako pero ewan.. ang init.

Paglanding ng bus sa terminal, sumakay ako agad ng tricycle. Grabe tagal ko na rin palang hindi nag -tricycle. Ang init pa rin.

Pag-uwi ko, si Lola lang ang nadatnan ko. May nakahandang sinigang na baboy, beef steak at chopsuey. Halos ubos ko yung chopsuey na parang ilang buwan akong hindi nakakain ng gulay. Ang init.

Nang dumating si Carlo galing eskwela, akalo ko ay iisnabin niya ako. Wow, hinalikan ako kaagad ni Carlo! Sinalubong ko siya ng mainit na yakap. Miss na miss ko yung kapatid ko na tila ay lalong tumaba kahit na siya ay nagdidiet na.

Noong sumunod na araw, nag-enroll na ako. Maraming tao ang nabigla sa aking pagbabalik. Sabi nung iba, lalo akong pumuti. Yung isa naman umitim daw ako. Sabi ng karamihan tumaba daw ako. May isa din nagsabi na pumayat ako.

Asus! Miss niyo lang ako eh.

Medyo mahihirapan ata ako sa kahulihuliang semester ko. May Saturday class ako (Accounting) at solo ko ang aking thesis. Ang lakas ng loob ko no? Well, kailangan ko na talagang makapagtapos!

Kanina BlackOut dito. 8-5 daw walang kuryente. Noong nagising ako ni Carlo noong umaga niyakap ko siya at tawa naman siya ng tawa.

Me: Kiss mo nga si Ate

Carlo: Ooops.. Not Now

Tapos Blackout :(

Si Carlo ang nagsilbing libangan namin. Kinanta niya yung themesong ng Lucky Me, Hold on na ginamit sa Jumong, Kembot ng UD4, Campaign Jingle ng Team Unity at  ni Chiz Escudero.

Ang cute talaga ni Carlo.

Noong isang araw nga pala nagparty kami magkapatid. Pinatugtog namin yung mga kanta nina Nelly Furtado, Shakira at Sandwich. Ang cute nya talaga.

Ang init pa rin grabe!

To summarize my homecoming, ang cute ni Carlo at ang init. Bow.

 

Posted by micamyx at 12:49 am | permalink

Previous Comments

Wow! I wish my sister is as affectionate as you are. Carlo is indeed lucky to have you as his sister. :)

Posted by Jhed at June 15, 2007, 4:59 am

Jhed - Wow Thanks Jhed. Honestly, I would love to have you as a brother too para magbigay ng advice sa akin tungkol sa buhay sa… kusina :) cooking lessons tayo haha

Posted by micamyx at June 16, 2007, 11:14 pm

Welcome back, Mica! Now, we can meet, I hope! Pero mukhang super busy ka naman yata! :)

Posted by rhodora at June 19, 2007, 1:01 pm

Tita Rhodora - Kita na tayo tita hehe basta ikaw gagawa ako ng time! :) can’t wait! :)

Posted by micamyx at June 19, 2007, 9:50 pm