"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Post Item » Sari-saring hinaing ng isang estudyanteng nagmamadali

Sari-saring hinaing ng isang estudyanteng nagmamadali

July 11, 2007

 Pagkaraan ng isang buwan ng bahay-school-bahay routine, sa wakas, naramdaman ko na na may katuturan ang aking huling semester bilang estudyante. Medyo bored kasi ako noong una dahil lahat ng mga kaibigan ko na tunay kong mga nakakasama sa ginhawa at kalungkutan ay tapos na sa kanilang pag-aaral. Hoefully, susunod na rin ako sa kanila ngayong October.

Sa totoo lang, ilang araw ko nang gustong gumawa ng matinong post, pero ewan ko ba kung bakit ganito. Nasobrahan ata sa dami kaya ikukwento ko na lang muna ang aking buhay bilang 'estudyante'.

Preliminary Exam Here I Come!

Prelim exams namin ngayong linggong ito. Mamaya na ang umpisa pero hindi pa ako masyadong nakakareview. In fairness, mukhang bumabalik na talaga ang aking interest sa pag-aaral. Sa totoo lang, umabot na ako sa punto noong nakaraang buwan na parang pumapasok lang ako para pumasok. Walang purpose. Walang gana. Siguro hindi talaga makulay ang aking buhay dahil hindi ako kumakain ng sinabawang gulay.

Student Leader No More?

A week from now, ihahalal na ang mga bagong officer ng Engineering and Computer Science Student Association (ECSSA) which means kailangan ko nang iwan ang aking posisyon bilang Vice-Governor. Ang pagiging officer ko noong nakaraang taon ay napaka-gandang experience (more on this experience in my future entries). Sayang lang at hindi ko na maitutuloy sa pagiging Governor dahil ako'y gagraduate na sa October ngunit ok lang. Hindi pa ako sigurado kung ipagpapatuloy ko pa ang aking pagiging chairman sa Multimedia club o kung ano pa man. Masaya na din ako na nakapagbigay ako ng aking serbisyo sa mga kapwa ko estudyante pero mas sasaya ako kung matutuloy ang Dagupan Blog Summit na pangarap ko talaga.

Thesis, Thesis How Are You?

Juice ko, July na pero wala pa akong chapter 1. Title pa lang meron sa akin at hindi pa final kung alin sa tatlong yun. Papaluin mo na ba ako?

Helping Your Friends to Achieve their Dreams

Sa kasalukuyan, tinutulungan ko ang ilan sa aking mga kaibigan na gumawa ng move para matupad ang kanilang inaasam-asam na pangarap. Mas fulfilling pala iyon :)

 

Iyon lang muna mga blog friends. Mag-aaral muna ako para pati grades ko ganado na rin :)

Posted by micamyx at 10:46 am | permalink

Comments are closed.