"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Archives » 17. July 2007

Girl in The Mirror (Babae Sa Salamin)

July 17, 2007

Pagkatapos kong kausapin ang aking Mader Dear sa cellphone kanina, dumiretso ako sa aming laptop para magbasa ng ilang mensahe at para hanapin ang mga impormasyon na kailangan ko para sa aking thesis. Pinipilit ko rin ang sarili ko na magsulat ng isang blog entry mula sa aking listahan ng mga pamagat ngunit, subalit, datapwat, ako'y nabigo. Walang lumalabas na ideya sa aking utak!
 
Bigla akong nauhaw kung kaya't ako'y pumunta sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Sa aking pagbalik, ako nama'y dumiretso sa aming palikuran para hugasan ang aking paa at para na rin mag-wiwi. Napatingin ako sa salamin at may nakita akong isang magandang dilag - ngunit gulo-gulo ang kanyang buhok na tila sampung taon hindi nagsuklay. Mukhang napaka-tamblay nya at hindi rin tama ang kanyang postura. Ang malala pa doon, nanlilisik ang kanyang mga mata! As in pulang-pula na ang kanyang mga mata!
 
Lumapit ako sa salamin ngunit siya rin ay lumalapit. Naglakas loob ako na lumapit pa para siya'y harapin. Yun pala sarili ko na ang nakikita ko sa salamin.

 
Hindi ako sigurado kung normal pa ba ang takbo ng aking buhay. Paggising sa umaga, kakain ng almusal. Pagkatapos mag toothbrush, maligo o kung ano pa man, diretso na ako sa laptop para magbabad sa PinoyExchange o di kaya'y magcheck ng aking mga accounts. Pag may klase ako ay palagi rin akong wala sa aking sarili. Tila sabik na sabik na naman akong gumamit ng computer. Pagkatapos ng klase didiretso na naman ako sa harap ng computer at magdamagan na akong nakaharap dito.
 
Sabi nila, adik na daw ako. Sabi ko naman, nililibang ko lang ang aking sarili. Hindi ko rin mawari kung may pagka "Anti-Social" ba ako, ngunit may mga pagkakataon na mas matino pang kausapin ang mga kapwa ko adik kaysa sa mga taong nagbabalatkayo lamang.
 
Dati ay nalagpasan ko na ang kaadiktahan na ito, ngunit dahil sa pagkakaibigang nasira nang dahil sa tsismis na nilikha ng mga tao sa outside world, nagdesisyon akong mabuhay at makipagsapalaran sa cyberspace.
 
Sa tuwing tinititigan ko ang aking sarili sa salamin, napapansin ko na hindi na ako kasing blooming katulad ng dati. Noong nasa Maynila naman ako ay napaka-saya ko. Lagi akong lumalabas pero pag-uwi ko dito, balik na naman ako sa dati kong gawi. Wala naman akong tinataguang kung anuman, pero hindi ko rin maintindihan. Nakakainis, pero hindi ko alam ang rason. Nakakapanghinayang, pero hindi ko alam kung bakit.
 
Dala lang ba ito ng kalungkutan? Sana naman ay damayan mo ako :(  

Posted by micamyx at 11:57 pm | permalink | comments[2]