Please click the thumbnails above to view full photo
I am writing another open letter for the world wide web to see. This is actually a personal letter for my cousin named Maria Ysabel Rodriguez Potenciano, my closest cousin in the Rodriguez clan who is about to leave the country to study and make her dreams come true. August 9 is fast approaching and her despedida party took place last Saturday.
Mahal kong Ysabel,
Bago ang lahat, gusto muna kitang batiin ng maligayang araw. Sana ikaw ngayon ay nasa mabuting kalagayan. Kung ako ang iyong tatanungin, kasalukuyan akong nahihirapan sa pagsulat ng purong tagalog na liham. Ako ata ang nahihirapan datapwat ang aking rason kung bakit ganito ang pagkakasulat ko sa aking liham ay para mahirapan kang magbasa dahil mas bihasa ka sa lenguaheng ingles.
Saan nga ba ako maguumpisa? Teka iisipin ko pa.. Hmmmm… Ayun! haha
Tayong dalawa ang panganay sa magpipinsan at dahil pareho tayong nag-iisang anak noong mga panahon na iyon (kasalukuyan pang plinaplano ni Lord ang pagbuo kina Miko at Carlo), tayo palagi ang magkasama sa mga lakad ng ating pamilya. Lagi akong nakikitulog sa inyo noon at nanonood tayo palagi ng VCD o di kaya'y pinapanood kita sa bawat leksyon na iyong pinagkakaabalahan. Marami na din tayong mga kalokohang nagawa. Naalala mo ba noong nagpanggap tayo na mga artista sa palaruan sa Subic na malapit tinitirahan ninyo noon? Eh yung mga kaharutan natin sa mga kaibigan at mga yaya natin? Eh yung pagiging adik natin sa spice girls dati? Parang kahapon lang tayo'y mga musmos pa lamang.
Hindi ko man ito masabi sayo ito ng harap-harapan ngunit gusto kong malaman mo na ako'y nagagalak na ikaw ay aking pinsan. Napaka-ganda ng iyong tinig kapag ikaw ay umaawit (syempre magaling din ako hehe). Magaling ka rin sa pag-anunsyo lalo na pag-ingles. Malikhain ka rin sa iyong mga obra na mga pinta-pwede ka na mag- fine arts kung nanaisin mo. Isa ka ring kaskasera (oopss.. as in magaling na drayber na nakikilahok sa mga patimpalak ah) at isa pa - isa kang mabuting nilalang dito sa mundong ibabaw.
Aalis ka na ng bansa sa susunod na linggo. Wala akong ideya kung kailan ka makakauwi ulit dito sa Perlas ng Silanganan o baka naman ako ang dadalaw sayo sa Estados Unidos. Salamat na lang at may internet na ngayon. Sana ay hindi mo ako makakalimutan at tandaan mo na naririto lamang ako para sa iyo
Ingat sa iyong paglalakbay patungo sa iyong pangarap!
Lubos na nagmamahal,
Micaela Fransesca
P.S: Uwi ka pala dito sa January 12. Nood tayo ng Spice Girls Concert sa Hongkong!
Nyahaha that’s the challenge my dear!
But seriously, i will really miss you especially kapag may christmas reunions *wipes tears*
WAAAAH don’t leave me alone in the parties huhu
Posted by micamyx at July 31, 2007, 12:41 am
Awww mika
Posted by ysa at July 26, 2007, 9:02 pmwhy do you do this to me
you know im really slow in tagalog HAHAHAH
funny ka talaga
:]
Thank you sooo much though
that was really sweet of you :]
i will never forget you and hopefully you never forget me
:]
ill miss you
keep in touch
you know my email address :]
love you
-YSa