"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Archives » 08. August 2007

Kakaibang Kwento - Only in the Philippines!

August 8, 2007

Kung meron man akong PINAKA-Paboritong palabas sa QTV, ito ay ang programa ni Pia Guanio na ANG PINAKA. Mapapanood ito tuwing linggo 6pm syempre sa QTV Channel 11.

Marami kang matututunan sa palabas na ito. Ito ang programmang dapat panoorin ng mga taong mahilig sa trivia tungkol sa mga Pinaka-sikat, Pinaka-kakaiba, Pinaka-magkamukha, Pinaka-malala, Pinaka-matanda atbp. Binalak ko na gumawa ng aking sariling Pinaka list noon pa pero ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy.

Kaya ngayon, itutuloy ko na :)

Nilista nila ang Sampung Pinaka-Kakaibang kwento dito sa ating bansa. Noong una akala ko ay tungkol ito sa pulitika (well, slight lang) na puro kaboringan ang laman ngunit ako'y natuwa dahil sa mga lumabas sa listahan pero sige na nga, may parte dyan na nadismaya ako..

Eto nag ilan sa mga kakaibang kwento na nakasali sa listahan:

JoseRizal.jpg image by cybersistahAdolfHitler.jpg image by cybersistah

Jose Rizal with his illegitimate son, Adolf Hitler.. HOOWAT?!

ANAK NI JOSE RIZAL SI ADOLF HITLER - Nasa hayskul ako noong una kong marinig ang kalokohang ito. May mga kaklase ako na sobrang mahal na mahal ang history at may mga pagkakataong nagdedebate sila tungkol sa mga bagay na pawang kalokohan lamang.

Paano nga ba naging anak ni Rizal si Hitler? Puntahan na lang ninyo ang artikulo na isinulat ni Manuel Quezon III dito . Napagalaman ko rin na anak din daw umano ni Rizal si Mao Zedong! Naku naman, ang dami na pa lang anak ng Pambansang Playboy este, Pambansang Bayani natin! (more…)

Posted by micamyx at 11:57 pm | permalink | comments[7]