"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Post Item » Kakaibang Kwento - Only in the Philippines!

Kakaibang Kwento - Only in the Philippines!

August 8, 2007

Kung meron man akong PINAKA-Paboritong palabas sa QTV, ito ay ang programa ni Pia Guanio na ANG PINAKA. Mapapanood ito tuwing linggo 6pm syempre sa QTV Channel 11.

Marami kang matututunan sa palabas na ito. Ito ang programmang dapat panoorin ng mga taong mahilig sa trivia tungkol sa mga Pinaka-sikat, Pinaka-kakaiba, Pinaka-magkamukha, Pinaka-malala, Pinaka-matanda atbp. Binalak ko na gumawa ng aking sariling Pinaka list noon pa pero ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy.

Kaya ngayon, itutuloy ko na :)

Nilista nila ang Sampung Pinaka-Kakaibang kwento dito sa ating bansa. Noong una akala ko ay tungkol ito sa pulitika (well, slight lang) na puro kaboringan ang laman ngunit ako'y natuwa dahil sa mga lumabas sa listahan pero sige na nga, may parte dyan na nadismaya ako..

Eto nag ilan sa mga kakaibang kwento na nakasali sa listahan:

JoseRizal.jpg image by cybersistahAdolfHitler.jpg image by cybersistah

Jose Rizal with his illegitimate son, Adolf Hitler.. HOOWAT?!

ANAK NI JOSE RIZAL SI ADOLF HITLER - Nasa hayskul ako noong una kong marinig ang kalokohang ito. May mga kaklase ako na sobrang mahal na mahal ang history at may mga pagkakataong nagdedebate sila tungkol sa mga bagay na pawang kalokohan lamang.

Paano nga ba naging anak ni Rizal si Hitler? Puntahan na lang ninyo ang artikulo na isinulat ni Manuel Quezon III dito . Napagalaman ko rin na anak din daw umano ni Rizal si Mao Zedong! Naku naman, ang dami na pa lang anak ng Pambansang Playboy este, Pambansang Bayani natin!

valdarna_lipad.jpg picture by cybersistah

Darna: Kampon mo ba ang nasa malaking mall? Umamin ka!

Valentina: Bakit wala ba kaming karapatan mag-mall?

Kung kaya ninyo, mas kaya namin!

Photo credits: http://marsravelo.tripod.com

AHAS SA ISANG MALAKING MALL - Nakakatawang isipin na isa ito sa mga pinaniwalaan namin noong bata pa kami.

Kapag sinasabi ko noon sa mga kaibigan ko na pumunta ako sa mall na ito, tinatanong nila ako kung nakita ko ang ahas na diumano'y anak ng may-ari ng mall. Nakain pa nga daw si Alice Dixon at sabi nila wag daw akong lalapit sa fountain na lagi ko naman pinupuntahan noon habang kumakain ng cotton candy.

Ngayon ko lang naisip na siguro namimiss na ng mga tao si Valentina noon o di kaya'y nais lang talaga nilang siraan ang mall na iyon dahil patok na patok sa masa. Sana sinabi na lang nila na nasa ilalim ng mall ang…

Yamashita2.jpg picture by cybersistah

Kano: Now Tell me.. where's the big buddha?

Yamashita: It's over there.. uhm, under… where?

YAMASHITA'S TREASURE AND SUPER BIG NA NGA, GIANT BUDDHAS PA! - Ito ang hanggang ngayon ay napakalaking palaisipan pa rin sa mga pinoy. Nasaan na nga ba ang Yamashita's treasure? NAsaan ang malaking golden buddha? Totoo nga ba ito?

Nagkaroon pa ng pelikula tungkol dito at balita ko'y maraming treasure hunters ang hanggang sa ngayon ay gumagastos ng milyon para lang mahanap ito. May tsismis nga din na balak nilang ipagiba ang eskwelahan ni Kenjo para lang tignan kung nandoon pa nagtatago ang Golden Buddha. Marami na ang nasayang na pera, marami na din ang namatay sa mga kweba. Pati ba naman edukasyon ng mga kabataan ay isasakripisyo para lang sa kayamanang ito? Hibang na nga talaga tayo kung gayon. Bakit hindi na lang kayo humingi ng himala sa pamamagitan ni..

JUDIEL NIEVA NG AGOO's APPARITION - Naalala niyo ba ang bata na taga-Agoo, La Union na diumano'y nagkaroon ng isang apparition? Ako hindi eh hehe :)

Sabi nila marami daw ang naniwala dito na pati mga deboto ay lumuwas pa talaga sa agoo para makita din nila ang nakita ni Judiel Nieva pero tila siya lang ang nakakakita ng mga himalang ito kung kaya't hoax na itong maituturing.

Nasaan na ng aba si Judiel Nieva?

Siya na po si Angel Dela Vega… with Big Bumpers.

Himala! :D Photo Credits: http://gabemercado.multiply.com

Pero sa lahat ng nasa countdown, dito ako pinaka-dismaya           

Tasaday.jpg picture by cybersistah

Tasaday: Kasinungalingan nga ba?

Photo credits: www.tasaday.com

TASADAY HOAX - Paborito ko ang Civics and Culture noong nasa elementarya ako at hanga talaga ako sa mga artikulo tungkol sa mga kababayan natin na tila hindi pa mulat si sibilisasyon at isa doon ang grupo ng mga Tasadays.

Nakatira sila sa mga kweba at talagang parang sinaunang panahon pa ang kanilang paumumuhay. Nasabi ko pa nga sa aking sarili na paglaki ko ay lalakbay din ako papunta sa Mindoro para mamigay ng relief goods at used clothes. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang aking mapagalaman na HOAX lang pala ang nasa libro ko. Hindi lang pala ako at ang mga mambabasa ng librong iyon ang naloko kundi ang buong mundo. Bakit ba ito nagawa ni Elizalde? Para sumikat? Para yumaman? O dahil sa ambisyon ng mas nakakataas sa kanya?

Ay ewan ko basta niloko ninyo kami.

————————————————

Lima lang muna ang aking ipinamahagi. Ayoko i-blog ang tungkol sa nanguna sa listahan dahil gabi ngayon, mag-isa ako sa sala at nakapatay ang ilaw.. waaah search nyo na lang :D

Sana nagustuhan ninyo ang mga kakaibang kwento ko-Only in the Philippines!

 

Posted by micamyx at 11:57 pm | permalink

Previous Comments

Binasa ko yung Tasaday website and it turns out.. sa aking pagkakaintindi ha.. the real hoax was the claim na hoax lang siya. The Tasadays actually existed.

Ah ewan.. yun ang nabasa ko e. LOL.

Posted by Jhed at August 9, 2007, 7:56 am

Pakana daw ni Marcos yan para makakuha ng donations mula sa mga charitable institutions. Nakita daw ni Elizalde sa mga kweba pro nung binalikan sila hindi pala talaga sila dun nakatira. Magulo no

Posted by apple at August 9, 2007, 8:17 pm

Jhed - Ang gulo nila no? hehe

Ang alam ko nagmukha din siyang hoax kasi ang pinalabas uncivilized sila and all pero yun naman pala may levis jeans sila lol

Apple- Magulo nga :D

Posted by micamyx at August 11, 2007, 6:54 pm

Sa totoo lang, hindi ko na maalala ang tungkol sa Tasaday Hoax na yan. Pati yung kay Rizal at Hitler. Ayos. Creative talaga ang mga Pinoy.

Madalas kong napapanood sa TV yang Ang Pinaka. Favorite ko yung worst massacres in the Philippines. Halos maiyak ako habang pinapanuod yung episode na yun. Sana nga ireplay eh.

Posted by Shari at August 17, 2007, 11:33 am

@Shari - The Tasadays and the Taong Tabon made me real curious about them. Haven’t heard of the Taong Tabon though.

Kung sabihin ko siguro na anak din ako ni Rizal wala na talagang maniniwala haha

Ang Pinaka is one of the best shows ever! I was able to watch the massacres episode and i got teary eyed especially the one about Eldon Maguan because he is on his way home from our house in Manila when Rolito Go shot him.. He gave me gifts during christmas and hangs out in our house in Manila to play with me.

Hala I guess i should make an entry about it one of these days =(

Posted by micamyx at August 17, 2007, 11:42 am

Ahahahaha…. Rizal and Hitler… hindi ko pa narinig yan nung bata ako… pero yung yamashita treasure ay oo yang Golden Buddha na yan… Si Judiel ayan nagkaron ng himala naging babae na. Andami talagng kwnetong barbero ng mga pinoy… Nice post… :D i’ll link you up…

Posted by sweetie at August 27, 2007, 11:31 am

Sweetie - Yeah hehe actually kulang pa yang nasa list hehe ang pinoy talaga malawak ang imahinasyon lalo na yung mga tambay hehehe :) I’ll link you up too :)

Posted by micamyx at August 27, 2007, 9:41 pm