This is my official entry for Pinoy Blogosphere's Wika 2007 Writing Project with the theme "Maraming Wika, Matatag na Bansa".
Isa sa mga katangi-tanging impormasyon ukol sa Perlas ng Silanganan ay ang pagkakaroon nito ng mahigit kumulang pitong libong pulo na nahahati sa iba’t ibang rehiyon at ang pagkakaroon ng bawat lalawigan ng kani-kanyang dialekto.
Noong ako’y nasa elementarya pa lamang, pinagdiriwang naming sa eskwelahan ang Buwan ng Wikang Filipino at ito na rin ang nagsisilbing pagbibigay-pugay ng mga estudyante sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Presidente Manuel L. Quezon. Siya ang dapat natin pasalamatan kung bakit meron tayong isang wika na ating ginagamit upang makihalubilo sa kapwa natin Pilipino. Sa buwan na ito natin pinagyayaman ang ating kaalaman tungkol sa ating kasaysayan at nauuuso din ang mga iba’t ibang patimpalak kung saan natin maipapakita ang ating tunay na kinagisnan ng ating mga ninuno.
Napagdebatihan din naming minsan sa aming klase kung isa nga bang hadlang ang dami ng dialekto ng ating bansa sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa ating bansa?