This is my official entry for Pinoy Blogosphere's Wika 2007 Writing Project with the theme "Maraming Wika, Matatag na Bansa".
Isa sa mga katangi-tanging impormasyon ukol sa Perlas ng Silanganan ay ang pagkakaroon nito ng mahigit kumulang pitong libong pulo na nahahati sa iba’t ibang rehiyon at ang pagkakaroon ng bawat lalawigan ng kani-kanyang dialekto.
Noong ako’y nasa elementarya pa lamang, pinagdiriwang naming sa eskwelahan ang Buwan ng Wikang Filipino at ito na rin ang nagsisilbing pagbibigay-pugay ng mga estudyante sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Presidente Manuel L. Quezon. Siya ang dapat natin pasalamatan kung bakit meron tayong isang wika na ating ginagamit upang makihalubilo sa kapwa natin Pilipino. Sa buwan na ito natin pinagyayaman ang ating kaalaman tungkol sa ating kasaysayan at nauuuso din ang mga iba’t ibang patimpalak kung saan natin maipapakita ang ating tunay na kinagisnan ng ating mga ninuno.
Napagdebatihan din naming minsan sa aming klase kung isa nga bang hadlang ang dami ng dialekto ng ating bansa sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa ating bansa?
Kung ikaw ay isang taong dayuhan sa isang probinsya, malalaman mo ang pagkakaiba ng bawat taong naninirahan dito. Ang mga ilokano ay kilala sa pagiging matipid at pagiging masinop nito. Ang kanilang boses ay karaniwa’y malumanay ngunit parang mga reyna ng kidlat kung magalit. Ang mga batangueno naman ay tunay na malalakas na kitang-kita rin sa kanilang pananalita at sa mga produkto kung saan sila kilala. Ang mga taga-Pangasinan ay likas na masiyahin at matulungin ngunit iba kung ito’y masaktan. Ang dialekto ay sumasalamin din sa isang lugar.
Isa sa mga nagiging problema ng mga Pilipinong lumaki sa iba’t ibang probinsya ay nagkakaroon din ng mga hindi pagkakaunawaan dahil may mga salitang parehong nasa kanilang diksyonaryo ngunit magkakaiba ang kahulugan. Halimbawa na lamang ang salitang “Utot”. Sa mga sanay gumamit ng tagalog, ito ay ang hangin na lumalabas sa isang parte ng ating katawan na may kakaibang amoy. Sa mga ilokano, ito ay nangangahulugang daga. Basahin ang sumusunod na pangyayari:
Kahit ang salitang “bao” ay maaaring makapagumpisa ng hindi pagkakaintindihan. Sa tagalog, ito ay galing sa buko na ginagawang palaman. Sa mga Pangasinense, may halo na itong kabastusan.
Hindi lang sa pagkakatugma ng mga salita na magkaiba ang kahulugan tayo nagkakaproblema. Ang punto ay isa rin sa nakikitang problema. Tila hindi mo malaman kung galit nga ba o nagpapaliwanag lang ang isang tao tulad na lamang noong ako’y napunta sa isang lalawigan. Akala ko pinapagalitan ako noong jeepney driver yun pala likas na malalakas ang mga boses ng mga taga-roon.
Ang ilan sa ating mga kababayan na lumaki sa marangyang buhay ay sinasanay ng kanilang mga magulang na gumamit na lamang ng wikang ingles. Walang masama sa paggamit ng ingles dahil ito ang nagsisilbing medium para makausap natin ang mga banyaga mula sa ibang bansa, ngunit tama bang isantabi natin ang ating sariling wika? Tama ba na ni hindi alam ng ating mga anak kung ano ang pandiwa at pang-uri? Tama ba na wala man lang silang alam sa lalawigan kung saan sila nangngaling?
Sa aking sariling pananaw, ang pagkakaroon ng iba’t ibang dialekto ng isang bansa ay hindi hadlang kundi isang elemento para magkaisa ang ating bansa. Bakit? Dahil tayo ay binubuklod ng Wikang Filipino. Sapagkat dahil sa wika at mga dialekto ay nagkakaroon tayo ng interes para kilalanin pa ang isa’t isa. Ano kaya ang ibig sabihin ng ganitong salita sa kanila? Ano kaya ang kanilang ikinabubuhay? Ano kaya ang kanilang mga pinagmamalaking pasyalan? Sino kaya sa mga sikat na personalidad ang lumaki sa lugar na iyon? Ano ang alamat nila? Ano ang kanilang sinaunang kasuotan? Ang listahan ng mga katanungan ay nadaragdagan at ito ang rason kung bakit kahit na tayo’y magkakahiwalay, Ikaw, Ako, Tayo - ay karapat-dapat na tawaging PILIPINO.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
this is the second entry that ive read…
weehhh… bakit ba hindi ako nasabihan na may ganitong event…
he hehe..
anyways,best of luck!!!
Posted by kingdaddyrich at August 18, 2007, 7:12 pmMay 4 1/2 oras ka pa para humabol, King.
Posted by Filipinayzd at August 18, 2007, 7:21 pmHey! Good luck sa atin! LOL!
Posted by Jhed at August 18, 2007, 9:58 pmhi mica nice ung isinulat mo. ang ganda ng thought at concept. just keep up the good work girl!! (”.)
Posted by ruby at August 21, 2007, 8:14 amAndianka - Maraming salamat sa pagkakaroon ng PBS ng ganitong patimpalak. Ikinagagalak kong makahabol at naisumite ang aking palpalaran na opinion ukol sa tema ng Wika 2007. Marming salamat din sa pagdagdag ng URL ng aking entry sa group blog dahil sa totoo lang, ako’y naliligaw pa sa PBS hehe
Kingdaddyrich-Nakahabol ka ba? Nga pala, humihingi ako ng paumanhin tungkol sa signos premiere.
Jhed- Kung manalo man ang isa sa atin dapat manlibre haha
Ruby-SISTERET!! Sa wakas, pagkaraan ng ilang buwan ikaw rin ay nakadaan dito. Bkit ngayon ka lang?
Posted by micamyx at August 21, 2007, 11:54 pmHaha natawa ako, naalala ko yung mga ganyang usapan namin dato. Iba’t ibang depenisyon ng iisang salita. Nagiging kumplikado tuloy para sa lahat. Ngunit di naman imposibleng lalo pang mabuklod ang mga Pilipino dahil sa wikang Filipino, basta mapagtanto ng mga tao ang kagandahan nito.
Ako’y nagpapasalamat dahil nakuha mo ang nais kong ipahiwatig sa aking isinumiteng likha. Sana may pag-asa akong manalo kahit kulelat ako sa botohan LOL
Posted by micamyx at August 27, 2007, 9:35 pmWala(pangasinan) = there is (Tagalog: meron)
Wala(tagalog) = none/nothing…
Bakit di mo binanggit?
Posted by Kris at September 8, 2007, 9:42 amI’m sorry hehe
hi mica!
thanks for participating in our WIKA2007 project. this post is noted, reviewed and will be included in the official list. good luck!
Posted by andianka at August 18, 2007, 12:28 am