Si Ederlyn ang pinaka-unang sumikat sa SeryeTXT na nag-umpisa sa kanyang imbitasyon sa kanyang magarbong party. Noong una nga akala ko wrong send lang yun pala halos lahat inimbitahan nya. Halos walang dumalo sa kasiyahan kung kaya't siya'y nagalit. Buti na lamang at nandyan ang boyfriend nyang si Arman at ang iba pa niyang ka-fling. Ever supportive din ang kanilang angkan lalo na ng minsang sinubukan ni Chona na pantayan ang kanyang kasikatan-ngunit ito'y nabigo.
Naging superstar ng SeryeTXT si Ederlyn at lumaki ang kanyang ulo. Biglaan na lamang siyang naging hot-tempered supahstar at naging alalay niya si Inday. Isang mapagmahal na anak si Inday na maraming ambisyon sa buhay - Gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang pamilya lalo na ang inang may sakit, Gusto niyang pakasalan ang nobyong si Dodong, Gusto din niyang paghigantihan balang araw ang mga umapi sa kanya at oo, gusto niyang sumikat balang araw tulad ng kasalukuyang amo at iniidolong si Ederlyn.
EDERLYN: Inday! Pagkatapos mong maglaba, linisin mo buong bahay pati kisame at kaskasin mo yung tiles ng dalawang pool! Paliguan mo na yung tatlong aso at magluto ka na ng hapunan dahil maya-maya lang, darating na ang sir mo. Tapos, pumunta ka kina Mrs Rosales, dalhin mo yung apat na malalaking kahon. Bumili ka na din ng isang galing mantika, ketchup, toyo, 10 sardinas, 20 corned beef, 30 century tuna, 15 maling, at isang sakong bigas. Oh, heto pera. Sakto yan. Maglakad ka na lang at strike mga tricycle ngayon, okay?
INDAY: Sumosobra ka na! ****** *** **!
Magmula nang maganap ang pangyayaring yun, nainis si Ederlyn sa kanya. Dahil afford naman na niya ang pag-aralin ang ibang tao, pinadala nya si Inday sa ibang bansa para maturuan ng good manners and right conduct. Dumaan siya sa isang crash course (tulad ng kay Angel Locsin) at muling bumalik sa bansa para maging katulong. Malaki ang pinagbago ni Inday na ikingulat ng karamihan. Siya ngayon ay nagbigay ng kanyang pormal na resignation letter sa pamilya Dacuycuy: