"It's not how we'll jump over the obstacles nor how fast you get on the top but how often you stop and appreciate the simple things in life which makes life worthwhile"..

Home » Post Item » The INDAY Files: Ang Paghihiganti kay Ederlyn!

The INDAY Files: Ang Paghihiganti kay Ederlyn!

September 7, 2007

Si Ederlyn ang pinaka-unang sumikat sa SeryeTXT na nag-umpisa sa kanyang imbitasyon sa kanyang magarbong party. Noong una nga akala ko wrong send lang yun pala halos lahat inimbitahan nya. Halos walang dumalo sa kasiyahan kung kaya't siya'y nagalit. Buti na lamang at nandyan ang boyfriend nyang si Arman at ang iba pa niyang ka-fling. Ever supportive din ang kanilang angkan lalo na ng minsang sinubukan ni Chona na pantayan ang kanyang kasikatan-ngunit ito'y nabigo.

Naging superstar ng SeryeTXT si Ederlyn at lumaki ang kanyang ulo. Biglaan na lamang siyang naging hot-tempered supahstar at naging alalay niya si Inday. Isang mapagmahal na anak si Inday na maraming ambisyon sa buhay - Gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang pamilya lalo na ang inang may sakit, Gusto niyang pakasalan ang nobyong si Dodong, Gusto din niyang paghigantihan balang araw ang mga umapi sa kanya at oo, gusto niyang sumikat balang araw tulad ng kasalukuyang amo at iniidolong si Ederlyn.

EDERLYN: Inday! Pagkatapos mong maglaba, linisin mo buong bahay pati kisame at kaskasin mo yung tiles ng dalawang pool! Paliguan mo na yung tatlong aso at magluto ka na ng hapunan dahil maya-maya lang, darating na ang sir mo. Tapos, pumunta ka kina Mrs Rosales, dalhin mo yung apat na malalaking kahon. Bumili ka na din ng isang galing mantika, ketchup, toyo, 10 sardinas, 20 corned beef, 30 century tuna, 15 maling, at isang sakong bigas. Oh, heto pera. Sakto yan. Maglakad ka na lang at strike mga tricycle ngayon, okay?

INDAY: Sumosobra ka na! ****** *** **!

Magmula nang maganap ang pangyayaring yun, nainis si Ederlyn sa kanya. Dahil afford naman na niya ang pag-aralin ang ibang tao, pinadala nya si Inday sa ibang bansa para maturuan ng good manners and right conduct. Dumaan siya sa isang crash course (tulad ng kay Angel Locsin) at muling bumalik sa bansa para maging katulong. Malaki ang pinagbago ni Inday na ikingulat ng karamihan. Siya ngayon ay nagbigay ng kanyang pormal na resignation letter sa pamilya Dacuycuy:

Ma'am/Sir,
I hereby render my irrevocable
resignation as your employee, effective
today. It has been a pleasant stay in
your company, but owing to
personal reasons, I am compelled to move on.
I would like to thank you and your good
management for the wonderful
experience accorded to me during my stay
in your company.

Yours Katulong,
Inday

Agad itong nagsumite ng kanyang  resume sa pamilya nina Junior:

"I believe that my trained skills and
expertise in management with
the use of standard tools and my
discipline and experience will
contribute significantly to the value
of work that you want.
My creativity, productivity and work
efficiency and the high quality
of outputs I can offer will boost the
work progress."
- Cover letter ng resume ni Inday sa
bago niyang amo

Muling nag-umpisa si Inday ng bagong kabanata ng kanyang buhay. Binago niya ang tingin ng mga tao sa kanilang propesyon:

"As much as I want to indulge in the proliferation of such indecent and malicious information, I want to lift the stigma and aleviate the society's perception of our profession."

- Inday, tumatangging makipagtsismisan sa katulong ng kabilang bahay.

Siya rin ay naging mabuting yaya kay Junior kahit n sobrang hyper ng batang ito. Ginagawa niya ang lahat para sa alagang bata:

  1. Drunken shrimp and blue lobster meat with caviar serve with milagrosa rice (red avriety) and apricot sauce
  2. Vegetables in balsamic vinegar splashed with extra virgin olive olive
  3. Lychee and peach salad with sour cream cheese topped with lemon zests


-   baon ni Junior sa daycare na inihanda ni Inday

 

Siya rin ay patuloy ng nagmamahal kay Dodong, ang drayber na sweet lover. Marami man ang nagtangkang mang-akit sa kanya, tanging si Dodong lang talaga ang minahal niya ng todo:

"I am solitary. I find it hard to succumb into slumber, though the downpour of rain should've made it easy. This exuberant emotional glue I have for you, cannot be simply washed away. The multiplicity of what I feel for you is inevitable. This isn't platonic. It's real, true romance."

-   Inday, nageemote sa may bintana, habang iniisip si Dodong, ang boyfriend niya

Dahil sa kaganapan sa buhay ng kanyang kaibigang si Angel Locsin na paglipat ng istasyon, hindi niya napigilang maalala ang dating amo na si Ederlyn. Fan ni Angel Locsin ang bagong amo nito at ito ang naging kanilang pag-uusap:

Amo: Inday di ba nanood ka ng The Buzz kahapon? Bkit daw umalis si Angel Locsin sa GMA7?

Inday: Sometimes people choose to leave not because of selfish reasons but because they just know that things will get worse if they’ll stay. Leaving can be a tough act and it’s harder when people can’t understand you for doing so.

"Physical stress and excessive work may result to serious damage to one’s body. It is therefore essential that once in a while we take a break from our usual routine to replenish the lost energy we once had."
- sabi ni Inday sa amo noong humingi siya ng dayoff

Isang araw, nagkita sila Ederlyn at Inday sa isang mall:

EDERLYN: Ikw nga ba ang inday na sinasabi nila? At sino ko para ihalintulad sa akin ngayong ako'y nanahimik na? Wala kang karapatang pantayan ako Hayop Ka!

Inday: My apologies, but the fact is your glory days are over my friend! i find it somewhat ridiculous your persistence on persuading people to come to your party that never existed is beginning to get into mu nerves. Damn you. Damn You Ederlyn!  No one underestimates Inday's intellect, B!tch!

 

And the bitterness goes on and on!

 

"Wala kang utang na loob, Ingrata ka! Traydor ka!
Masahol ka pa sa masahol!
Hindi ka na nahiya, mukha kang pera!
Ginawa lang kita, kaya kahit anong oras at kahit kailan, kayang-kaya kita wasakin!

- Ederlyn, bitterness and all"
———————-

" Excuse me,iba pa rin ang ate ko!
Mas sikat siya kesa sayo!
Huwag kang masyadong papansin sa mga tao…"

-chakalyn kapatid ni ederlyn
———————-

"Hindi porke magaling ka sa English eh tama ka na!
- Ederlyn pa rin, bitterness pa rin.."

Mabait na anak si Ederlyn. Binabudget nya ang kanyang mga gastusin:

500 - globe plan subscription
1800 - glutathione tablet
600 - olay total effects
1500 - crocs flip flops

2000 - for mama

Binubudget ni Inday ang sweldo niya…

Mahilig din siyang sumulat sa kanilang probinsya lalo na ina niyang may sakit:

- - - -
"Dear Mom,
Had it not been for the smelling salt, I must have collapsed moment ago. Junior has become a little monster to me. Remember the head accident he had? As if it wasn’t enough, he was summoned by the principal of his shabily run academe. Oh such an erudite bunch of baboons! I never lot being a governess can be such a strenuous employ.

Your daughter,
Inday"

 

"Dear Inday,

Walanghiya ka! Magpadala ka ng pera! Nasa ospital nanay mo, dumugo ang ilong kababasa ng pesteng sulat mo!

Tatay"

Ipagpapatuloy ko pa ang pagkwento tungkol sa makulay na buhay ng bagong superstar ng SeryeTXT na si Inday (Move over, Ederlyn and friends!!) ngunit natanggap ko ang balitang ito kanina lamang :(

"I was shot by 9mm bullet at the head damaging my entire studpid brain and my ****ing skull so that i will die and stop speaking english preventing people fomr nosebleeding!"

- in loving memory
Inday

Posted by micamyx at 11:03 pm | permalink

Previous Comments

Dear sir/madam

attached herewith is a list of proposed acquisition in line with my proposal to upgrade your household facilities. I have already made initial survey of current market prices. Note however that prices could vary depending on the prevailing exchange rate and aggregate supply and demand which we also monitor on an hourly basis

–inday, nagpapaalam mamalengke

Business Econ grad. Haha

Posted by Kris at September 8, 2007, 9:38 am

sino may pakana niyang seryeTXT na yan? bakit walang dumaan sa akin.. hmmm…

Posted by kingdaddyrich at September 10, 2007, 10:49 pm

Kris - Natawa nga ako dun sa mga palengke quotes ni Inday hehe balak namin magkakaklase na gumawa ng short films na featured sina Inday at Ederlyn :D

KDR- Mostly sa Globetown gumagala si Ederlyn at si Inday naman sa Smart. Naka-sun ka diba? hehe gawa ka din LOL

Posted by micamyx at September 10, 2007, 11:12 pm

how i wish magkaroon ng pelikula about inday and ederlyn, i would suggest pokwang ang eugene domingo for the roles… hanip ang dating feeling ko kikita ito nga 200 million pesos… hahahahaha

Posted by ciloy at September 20, 2007, 6:09 am

Ciloy, that is actually a good suggestion! Sana nga gawan ito ng movie!

Posted by micamyx at September 22, 2007, 6:44 pm

FLASH REPORT!!!!!!!

INDAY IS ALIVE! SHE’S NOT YET DEAD. SOCO FOUND OUT THAT THE “IMPOSTORA” OF INDAY WAS KILLED!

EDERLYN (INDAY’S KAPITBAHAY) WAS THE MASTERMIND!

SOCO: BAKIT MO IPINAPATAY SI INDAY?
E D E R L Y N : KASI, INAGAW NIYA SA KIN SI DODONG!

INDAY: MYTHEMANIAC! HE WAS NEVER YOURS…!!!
E D E R L Y N : DONG, MAHAL KITA…DIBA MAHAL MO RIN AKO???

DODONG: I…NEVER..SAID…THAT I LOVE YOU!

wahaha..gumagnun pa sila..

Posted by rod at September 27, 2007, 12:59 pm

hahaha long live Inday! Ano naman kya maicp na kalokohan ang nagumpisa nito? *hint* *hint*

Posted by cherie at October 8, 2007, 10:08 am