Pinoy Vlogging Mania is ON!: uBlog, iVlog, We Vlog!
Ang pagiging blogista mula noong ako’y nasa hayskul ay isa sa mga bagay na sobrang ikinagagalak ko. Sa pamamagitan kasi nito ay naibabahagi ko sa buong mundo ang aking saloobin, opinyon at kung anu-ano pang kuro-kuro ukol sa iba’t ibang bagay – mapa-personal, pulitika, showbiz, lovelife and mga kakornihan.
Naaalala ko noong ako’y nag-umpisa bilang isang blogista. Sa katunayan nga’y hindi ko alam na ‘blog’ pala ang popular na tema para sa mga online journals. Naalala ko pa noong napilitan akong kabisaduhin ang iba’t ibang html codes para lamang maayos ang aking entry sa araw na yun. Dahil wala akong sariling kompyuter noon, nakikigamit lang ako sa internet laboratory sa eskwelahan namin. Wala silang Microsoft Frontpage o kahit anong program para mapadali ang pag-update sa mga website. Opo mga kapatid, mano-manong HTML po ang ginamit ko noon at kahit na ako’y nahirapan, at least marami naman akong naging kaibigan noon.
Bago ako tumapak sa colegio ay pumunta ako sa livejournal. Halos lahat ng kalokohan ko at mga saloobin ay naroon. Muntikan pa nga akong napahamak dahil sa ilang entries ko doon kaya natutunan ko kung paano ihihiwalay ang mga “bloggable” at “non-bloggable” entries.
Mga bandang Enero ng taong ito ng ako’y lumipat sa i.ph. Lalo akong nag-mature bilang blogista. Kung dati ay kuntento na ako sa sampung bisita, ngayon ay hindi ko akalain na marami na rin akong napapasaya sa mga entries ko at isa pa, marami akong natutunan sa mga kapwa ko na mahilig magkwento at magpakwento.
Early this year ko lang rin nalaman ang podcasting. Ito ay pagbblog sa pamamagitan ng audio. Para kang DJ ng sarili mong istasyon. Ginusto ko itong subukan pero wala akong sariling mikropono o kompyuter. Ayoko rin naman pasukin ang mundong ito na matagal bago masundan ang unang episode.
Noong summer break habang ako ay nasa aking OJT, napuntahan ko ang listahan ng mga tentative nominees para sa Emerging Influential Blogs ng 2007. Isa doon ang nakakuha ng aking at iyon ay ang asul na blog na may bote ng “Coy” at may tag na “Buhay Coy, Buksan Mo”. Ang kanyang paraan para makapag reach out sa kanyang mga tagahanga ay sa pamamagitan ng “vLog” o Video Blogging. Kung ikaw ay naguguluhan sa kung ano ba ang vLog, isipin mo na lang na para kang nanonood ng reality tv show – wala nga lang commercial breaks at nakakabitin na gaps. Mas enjoy pa!
Masaya ako ng mapasali si Coy sa listahan ng Emerging Inlfuential Blogs. Napansin ko rin na noong naging sikat siya sa Pinoy Blogosphere, unti-unti na rin nagiging bukas ang isipan ng mga tao sa Pinoy Vlogging. Dumarami na ngayon ang mga interesadong ilahad ang kanilang mga pananaw sa pamamagitan ng makabagong paraan na ito.
Speaking of Pinoy Vlogging, ang aking iniidolo sa larangang ito ay may bago nang bahay (http://www.thisiscoy.net) . Dahil ang aking idol na kaibigan ko na rin ay may malasakit sa mga blogistang pinoy, inumpisahan niya ang Pinoy Vlogging Writing Project, kung saan ang mananalong entry ay may pagkakataon na magawan niya ng video blog – oo, si Coy mismo ang gagawa kaya ibig sabihin ay sobrang ganda ng premyo. Ang paggawa ng mga vlog entries ay pinag-iisipan, pinahahandaan at pinaghihirapan. For sure worth it at magiging matagumpay ang proyektong ito kung tayong lahat ay gagawa ng entries sa ating mga blog kung saan natin ipagmamalaki ang Pinoy Vlogging. Ang balita ko ay may mga sponsors din na interesadong magbigay ng dagdag na papremyo. Wow masaya talaga ito! J
Sa ngayon ay dalawa pa lang ang mga Pinoy Vloggers na sinusubaybayan ko – Si Coy Caballanes a.k.a Cokskiblue na kilalang-kilala na ngayon bilang FHM Collector at si Christine Gambito a.k.a. HappySlip, isang pinay na nakabase sa Amerika at balita ko’y bibigyan ng paranggal ng TFC channel. Napansin ko rin na sa isang channel ay pinalabas ang mga videos na nilikha para ibahagi ang hinaing nila sa mga nangungutsya sa mga Pinoy. Ang Pinoy Vlogging ay makulay, pero may nakakatamang laman.
Akalain mo, dati para makapag-blog ka kailangan mo pang gumawa ng sarili mong layout at template, tapos biglang ngayon videos pa ang ginagamit! Hmmmm.. Dahil meron na rin lang akong sariling laptop ngayon, subukan ko rin kaya magVlog? Subukan nyo na rin at gumawa na rin kayo ng sarili ninyong entry!!! :)
P.S. : Maligayang Kaarawan Sa Iyo, Coy! :)
@Ederic - Opo
Grade 6 ako nung natutunan ko yung html by accident. Ginawan ko ng website si Geri Halliwell:D
Siguro, notepad lang din ang ginamit mo sa pag-i-edit ng HTML dati, no? Mas okay nga yung ganoon kasi alam mo yung codes kahit anong mangyari. Matutuwa sa ‘yo si Prof. Arao niyan.
Good luck sa balak mong pagpasok sa vlogging.
Posted by Ederic at November 18, 2007, 3:46 am