Alam ko na kayong lahat ay nagkakandarapa sa pagpaplano kung saan kayo pupunta ngayong darating na semana santa.
Ako naman eto, nakatunganga
Si Carlo ang lagi kong kasama noong mga nagdaan na taon. Kahit nasa Dagupan lang kaming dalawa, masaya na ako kasi kasama ko siya. Hindi ako nag-iisa at nararamdaman ko ang pagmamahal ng isang kapatid.
Noong nakaraan taon ay nagpunta kami sa Zambales. Doon ko nakilala ang iba ko pang pinsan (3rd or 4th generation na ata) at talagang napaka-memorable nung bakasyon na yun.
Ngayon, eto ako. Eto wala lang. Walang makakasama. Walang mapupuntahan
Dumating ang mga kamag-anak ng aking lola mula Australia at America at sa Bicol sila magrereunion para sa Semana Santa. Sinabihan nila ako na next time na lang daw ako isasama dahil puro daw sila matatanda at hindi rin naman ako kasya sa kotse.
Hindi rin ako makapunta ng Zambales dahil hindi ko pa kayang mag-commute papunta doon.
Ayoko din naman umuwi ng Pangasinan dahil wala rin naman akong makakasama. Baka magparamdam pa tatay ko dun nakakatakot din naman.
Ano kayang mangyayari sa akin? Dito lang sa Condo? Si Ate Leny nga pupunta sa mga pinsan niya sa Laguna. Ako siguro manonood na lang ng Kim Sam Soon.
Sinong gustong umampon sa akin? :’(
Carlo ang hirap pala kapag wala ka.. Mahirap maging masaya promise :’(
oo nga eh.. buti nagawan ko ng paraan hehe
will post about my trip to Tanauan, Batangas soon
mahirap talagang maging masaya pramis
Posted by manilenya at March 17, 2008, 6:16 am