Setyembre 21, 2008 - Magaganap na ang pinaka-inaabangan at pinaka-bonggang parangal para sa pinakamagagaling na blogistang pilipino. Ito ay ang Ikalawang Philippine Blog Awards na gaganapin ngayong linggo, 6 ng gabi sa One Esplanade. Tatlumpu’t anim na parangal ang ibibigay sa nakakanerbyos na araw na iyon. Paniguradong nag-unahan ang mga blogista sa pagrehistro ng kanilang mga pangalan sa websayt para lamang masaksihan ang kaganapang ito.
Blogger’s Choice Award. Marami akong kakilala sa mga nominado at lahat sila ay karapat-dapat sa nominasyon na kanilang tinanggap, ngunit meron isang tao na sobrang ispesyal sa akin.
Ang pangalan ng blogistang iyon ay si Coy Caballes a.k.a. Cokskiblue ng ThisIsCoy.net. Bakit ko siya napili? Hmmmm…
* Si Coy ang isa sa mga kauna-unahang blogista na nakilala ko sa talang buhay ko. Naalala ko pa noon kasama ko ang mga kaklase ko galing Dagupan na dumalo sa Y4IT. Napakabait nya at wala siyang ere. Handa siyang ipamahagi sa lahat ang kanyang kaalaman tungkol sa blogging, video editing atbp. Bihira na yun sa ngayon, diba?
* Isa siya sa mga blogistang sumikat at inidolo noong nakaraang taon dahil sa kanyang husay sa pagvivideoblog. Siya rin ang nagpauso nito sa blogosphere at karamihan ng mga bagong videobloggers ay tunay na humahanga sa kanya.
* Sa pagnanais niya na makilala ang mga Pinoy Videobloggers at dumami pa ang magkainteres dito, inumpisahan niya ang isang writing project na may tag na “Pinoy Vlogging“. Marami ang nagsumite ng kanilang mga ginawang sanaysay at bidyos at ito rin ang kauna-unahang writing project kung saan ako ay nanalo yihee
* Ang unang blog niya na http://cokskiblue.blogspot.com ay hinirang bilang isa sa mga Emerging Influential Blogs of 2007. Isa rin siya sa mga tumatak sa sangkatauhan at oo, madami siyang fans at patunay dyan ang parangal sa kanya ng Candy Magazine.
* Kahit na busy siya sa kanyang trabaho, nagagawa pa rin niyang dumalo sa mga blog events at ngayon ay nagoorganize na rin siya. Hanep talaga!
Kung kontribusyon sa blogosphere rin lang ang batayan, napakarami na rin ipinamahagi si Coy sa ating lahat. Naaliw tayo sa kanyang mga adventure sa campus, sa workplace, sa concert, sa gobyerno, sa blog events, sa palawan at kung saan-saan pa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin si Coy sa kanyang advocacy patungkol sa video blogging.
Nakaboto ka na ba? Hanggang Biyernes na lang! Iboto natin si Coy!
Maraming salamat sa mga sumusunod na sponsors:
Co-Presentors
Level Up! Games
Nokia
Blog Bank
Smart Communications
Josiah’s Catering
Toshiba
Geiser Maclang
Gold Sponsors
Rsun My Technology Store
Yahoo
2go
Belo Medical Group
XFM 92.3
Buddy Gancencia Reality TV
Ultravision Photo and Video
Click Booth
Aloha Board Sports
Sheero Media Solutions
YourPinoyBroker.com
PLDT
Red Box
Coffee Bean and Tea Leaf
Havaianas
California Pizza Kitchen
David and Goliath
Media Partners
Inquirer.Net
ROAM Magazine
flippish tv