I would like to inform everybody especially those who were not able to watch the movie "Sa Pagdapo ng Mariposa" that I officially hate the writer/director behind this film named Will Fredo. Not only that, i also hate the two lead actors namely Marcus Madrigal (who turns out to be one of my crushes way back in elementary) and the Baliw leadstar Josh Deocareza.

Photo Credit: http://lara-tarranco.livejournal.com/
I Hate Will Fredo because he wrote a film that has a number of cheesy, tagalog lines! At dahil sa kanyang kagagawan, aking napagtanto na ang paggamit ng Wikang Pambansa sa pagsabi ng iyong tunay na nararamdaman ay mas makahulugan kaysa sa paggamit ng wikang banyaga.
I Hate Will Fredo because he was able to handle his actors well! Sa pelikulang ito magsisimulang ang karera ng napakagaling na aktor na si Josh Deocareza. Ang pelikula rin na ito ay isang napaka-gandang pagbabalik pelikula para kay Marcus Madrigal, na dati nang nakitaan ng husay sa pag-arte sa pelikulang "Pila Balde".
I Hate Will Fredo because of his idea of coming up with a movie soundtrack! Sa unang pagkakataon sa eksena ng mga pelikulang indi, nagkaroon ng soundtrack ang pelikulang ito na pinamagatang "Brave New Music". Ang mga kantang nakasali sa nasabing rekord ay akma sa mga masasaya at madamdaming eksena. Ang pinaka-paborito ko ay ang awiting "Di Kita Iiwan" ni Erin Jr. Palagi ko ngang pinapatugtog ang nasabing awitin sa aking kompyuter.
I Hate Will Fredo because the supporting characters in the film are equally good! Dito ko napatunayan na hindi basehan ang kasikatan ng mga artista para masabing maganda ang isang pelikula. Kung minsan nga ay mas maganda pang panoorin ang mga artistang hindi masyadong kilala sa mainstream dahil talaga isinasapuso nila ang kanilang karakter na gagampanan at hindi nila basehan ang pera para gawin ang isang bagay.

Kung makita pa kitang naglalaro ng manika, di lang ulo ng manika ang puputulin ko! - Fatima
Photo Credit: http://lara-tarranco.livejournal.com/
I Hate Will Fredo because he asked Liza Dino to cut-off the head of the barbie doll! Pati manika dinamay mo. Hindi ka na naawa huhu
I Hate Will Fredo for tackling an issue about taking good care of our own health! Kailangan natin alagaan ang ating kalusugan para hindi tayo maging kawawa kapag tayo ay tumanda. Mahirap na lalo na kung hindi rin lang tayo maaalagaan ng mga anak at apo natin dahil tayo ay wala nang silbi sa kanila.
I Hate Will Fredo for discussing the importance of intimacy for married couples! Hindi man napapansin ng mga magulang natin lalo na yung mga 40+ na nagkakalamat ang kanilang relasyon dahil sa sobrang pagpokus sa trabaho. Bakit hindi kayo pumunta sa Tagaytay at maglaro sa isang pribadong kuwarto? *kindat*
I Hate Will Fredo for letting Josh Deocareza play a feminine character! At dahil diyan, sinisigurado ko na siya ay mapapansin ng lahat.
I Hate Will Fredo for instructing Marcus Madrigal to learn the basics of Sepak Takraw! At dahil diyan, crush ko ulit siya hahaha
I Hate Will Fredo for insisting that Men do cry! "Kapag ang isang lalaki ay lumuha, hindi ito kahinaan kundi katas ng kanyang pangkaloobang kagitingan at tibok sa kanyang dibdib." - Josh Deocareza as Carlito Mariposa
I Hate Will Fredo for revealing the truth about women who fall in love! Kapag ang babae ang nagmahal, kaya niyang ibigay ang lahat. Hindi yan yung eksaktong linya pero basta ganyan haha
and lastly,
I Hate Will Fredo for coming up with a great twist! At dahil dyan sa twist na yan, kung anu-ano na ang naiiisip ko. Hindi ako maka-rekober. Hindi ako makasulat ng matinong review kaya parang kalokohan ang isinusulat ko ngayon. Hindi rin ako makatulog kahit mag-uumaga na!

Photo Credit: http://lara-tarranco.livejournal.com/
I am anticipating for a best director/screenplay nomination for Will Fredo
I am anticipating for a Best Supporting Actor nomination for Marcus Madrigal
And lastly, I am anticipating for a Best Actor nomination for Josh Deocareza
At kung wala silang nakuha kahit isang nominasyon man lang, hindi na ako maniniwala sa mga award-giving bodies na pampelikula dito sa Pinas.
PS: Good News! Sa Pagdapo ng Mariposa is still showing in Robinsons Indie Sine until June 11! Manood na kasama ang itong mga kaibigan, kapamilya at mga kapuso kundi i hate you na rin.
Woah. Baklaan ba ito?
Mukhang maganda nga.
It’s not a gay film. Believe me
Watch the movie extended pa sila until June 11.
Saw it the other day… WOW! Galing ng twist! Pang-gay pang straight pang may asawa pang single pang babae pang lalaki pang whatever!
Nice music din!
Posted by happy2dmax at June 7, 2008, 8:32 pm
kabaklaan na naman?
Posted by Anonymous at June 1, 2008, 12:08 am